Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

 ‘Top Secret’ ng PH ipinakita ni PNoy kay Poe

PNOY grace poeKINOMPIRMA ni Sen. Grace Poe na “Top secret” ang mga dokumentong ipinakita sa kanya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanilang pag-usap sa Malacañang kaugnay ng nalalapit na halalan.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Poe kasabay ng mga ulat na may ipinakitang dokumento ang Pangulong Aquino sa senadora na sinasabing banta kung paano ididiin ang senadora sa isyu ng kanyang citizenship.

Ngunit ayon kay Poe, hindi ‘yan magagawa ng Pangulong Aquino sa kanya sa halip ay “Top secret” ang ipinakita sa kanya.

“Unang-una, hindi po ganoon ang ating Pangulo. Sasabihin ko na po sa inyo—ang dokumentong ipinakita po ng ating pangulo, ang nakalagay ay Top Secret, wala po itong kinalaman sa pagtakbo o hindi pagtakbo sa 2016,” wika ni Poe.

Ito raw ay may kinalaman sa national security issues na ibinahagi ng Pangulo sa kanya upang mapaghandaan sakaling maupo na siya sa ehekutibo.

Binanggit ng senadora kung paano ito sinabi sa kanya ni Aquino.

“Grace, bibigyan kita ng background, ng iba’t ibang case studies, para malaman mo at maintindihan kung anong mga suliranin ang hinaharap ng isang pangulo kung saka-sakaling ikaw ang naririto,” wika daw ng Pangulo kay Poe.

Magugunitang hinimok ng Liberal Party si Poe na maging ka-tandem ni DILG Sec. Mar Roxas sa darating na halalan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa raw nakapagpapasya si Poe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …