Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

San Beda vs JRU

062615 ncaaMga Laro Ngayon (The Arena, San Juan)
2 pm – Jose Rizal U. vs. San Beda
4 pm – Arellano U. vs. Perpetual Help

IKAAPAT na sunod na panalo ang hihiritin ng defending champion San Beda Red Lions at Jose Rizal Heavy Bombers sa kanilang pagkikita sa  91st National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 2 pm sa The Arena sa San Juan.

Sa ikalawang laro sa ganap na 4 pm ay magsasalpukan naman ang Arellano Chiefs at Perpetual Help Altas na kapwa naghahangad na makabangon sa kabiguan.

Ang Red Lions ay nasilat ng Letran Knights, 93-80 noong Hulyo 16. Matapos iyon ay nagposte ng tatlong sunod na panalo ang tropa ni coach Jamike Jarin upang umangat sa solo second place sa kartang 5-1.

Ang Heavy Bombers ni coach Vergel Meneses ay nakalasap ng back-to-back na pagkatalo sa Letran (78-62) at San Sebastian (91-89). Mula noon ay nagtala ng tatlong sunod na panalo ang JRU.

Umaasa pa rin si Jarin kina Olaide Adeogun at Art dela Cruz. Sa kasalukuyan ay pinupunan nina Rysuei Koga at Dan Sara ang pagkawala ng lead point guard na si Baser Amer na mayroong injury.

Ang JRU ay pinangungunahan nina Abdel Poutouochiat Rassak Abdul Wahab. Nakakatuwang nila sina Paolo Pontejos, Tey Teodoro at Mark dela Virgen.

Ang JRU, Arellano at Perpetual Help ay kapwa may 4-2 records.

Napatid ang four-game winning streak ng Arellano Chiefs ni coach Jerry Codinera nang sila ay payukuin ng Letran, 77-68 noong Biyernes upang bumagsak sa 4-2.

Ang Altas, na ginagabayan ni coach Aric del Rosario, ay galing naman sa back-to-back na kabiguan buhat sa Letran (79-71) at San Beda  (83-81).

( SABRINA PASCUA  )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …