Thursday , May 2 2024

26 estudyante tinamaan ng typhoid fever (Sa Eastern Samar)

TACLOBAN CITY – Kinompirma ni Department of Health (DoH) Regional Office 8 assistant regional director, Dra. Paula Sydionco, aabot sa 26 estudyante sa Borongan, Eastern Samar, ang tinamaan ng typhoid fever.

Halos lahat ng mga estudyante ay mula sa Pandan National High School.

Ayon sa ulat, nagsimula ang nasabing sakit noong Hulyo 17 at bukod sa pagsusuka, nakaranas din ng pagkahilo at abdominal pain ang mga biktima.

Base sa kanilang paunang imbestigasyon, nagpostibo sa E-coli bacteria ang water source ng paaralan.

Nagpadala na ng isang team ang DoH para sa karagdagang imbestigasyon sa pinagmulan ng sakit.

Posible rin anilang nakuha ito ng mga estudyante mula sa mga ibinibentang inomin sa labas ng nabanggit na paaralan.

Samantala, nilinaw ng opisyal na wala pa sa alarming status ang sakit.

About Hataw

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *