Sunday , December 22 2024

Utak sa Sim Swap Scam timbog sa NBI

ARESTADO sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sinabing utak sa SIM swap scam, kasama ang kasabwat nito, noong Sabado ng gabi sa Calamba, Laguna.

Kinilala ni Special Investigator Lira Ana Labao ng NBI Investigation Division ang suspek na si Franco Yap De Lara, dating sales agent ng Toyota Motors, at ang kasabwat na si Ramir Pacual, kapwa residente ng Quezon City.

Si De Lara, nagpakilalang Ian Caballeros sa isang Globe Telecom store sa SM North Annex noong nakaraang Hulyo 2, ay napag-alamang may standing warrant of arrest para sa mga kasong estafa at falsification of documents.

Gayonman, ang kasong estafa ay walang kinalaman sa insidente noong Hulyo 2, ngunit ang falsification of documents ay kahalintulad sa SIM card swap modus operandi.    

Ang pagkakadakip kay De Lara ay kasunod ng pagdulog sa NBI ng Globe Telecommunications Company kaugnay sa  reklamo ng tunay na Ian Caballero, na nabiktima ng suspek matapos mapalitan ang kanyang SIM. Nauna nang ipinakita ng NBI sa ilang mamamahayag ang footage na nagpapakita kay De Lara sa loob ng Globe store.           

Sa imbestigasyon, nabatid na nagkaroon ng mobile banking transaction ang suspek at nakapambiktima ng limang indibiduwal.          

Gayonman, ipinaliwanag ni Labao na hindi maituturing na scam ang insidente dahil isang grupo lamang ang tinarget ng suspek at iyon ay dati niyang mga kasamahan sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuan.

“Lima ‘yung nabiktima niya, ‘yung isa ay nakuhaan niya ng P200,000, ‘yung isa ay P180,000, ‘yung isa ay P200,000. ‘Yung mga nabiktima niya ay mga dati niyang kasama sa Toyota Motors, puwera lang ‘yung huli na P48,000 sana na na-foil. Lumalabas din na vengeance ang motibo ng suspek dahil ‘yung mga tinarget niya ay mga dating kasamahan niya sa Toyota,” sabi ni Labao.          

Ayon kay Labao, si De  Lara ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act,  Access Device Law (RA 8484) at Article 172 ng  Revised Penal Code o falsification of documents.

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *