Friday , November 15 2024

Imbestigasyon vs Marcos paintings nakatengga sa Kamara

WALA pa rin aasahan ang taumbayan na mabawi ang artworks na pinaniniwalaang kasama sa ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa panayam ng Hataw kay Kabataan Party-List media officer Marjohara Tucay, natutulog  pa rin sa House Committee on Rules ang dapat sanang pag-iimbestiga sa nasabing paintings na ‘di mabawi-bawi ng gobyerno.

Kung matatandaan, nag-ingay si Kabataan Party-list Terry Ridon dahil sa kakuparan ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na mailagay sa pangangalaga ng gobyerno ang paintings.

Dahil dito, nagsumite ng resolusyon si Ridon para alamin at tiyakin sa PCGG kung ano na ang ginagawang aksiyon ng ahensiya para sa naturang mga portrait.

Ngunit makalipas ang halos siyam na buwan, kataka-takang nanahimik ang isyu hanggang sa kasalukuyan sa ‘di malamang dahilan.

Banat ni Tucay, posibleng ang mayorya ang dahilan kung bakit ayaw umusad sa naturang komite ang inihaing resolusyon ni Ridon.

Si Majority Floor Leader Neptali  Gonzales ang siyang chairperson ng nabanggit na komite.

Jethro Sinocruz

About Jethro Sinocruz

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *