Monday , December 23 2024

Wala nang kalaban si Court of Honour sa Triple Crown?

 

00 kurot alexTINANGGALAN ng korona si Floyd Mayweather Jr ng World Boxing Organization dahil sa di pagtalima sa regulasyon ng boxing body.

Ito yung titulo na inagaw niya noon kay Manny Pacquiao nang maglaban sila sa WBO welterweight title fight.

Pero ano nga ba ang “big deal” dun?

Tinanggal man kay Floyd ang titulo ay hindi rin naman iyon maibabalik kay Pacquiao.

Well, tingin natin sadya talagang isinantabi ni Floyd ang WBO dahil mas preperable niya ang WBC dahil tipo bang maididikta niya doon ang kanyang mga piling laban.

Kaya mawala man kay Mayweather ang titulo sa WBO ay okey lang.

0o0

Sa darating na Linggo na lalargahan ang 3rd Leg ng 2015 Triple Crown sa Metro Turf.

Sad to say na hindi makakasali ang 1st Leg winner na si Superv na ayon sa ating source ay masyadong nasagad sa huling laban nito sa Erap Cup kaya pinagpahinga.

Ang opiyal na nakalistang kalahok sa 3rd Leg ay ang mga kabayong Dikorik Koridak, Icon, Miss Brulay, Money Talks, Princess Ella, Sky Hook at ang 2nd Leg winner na si Court of Honour.

Mukhang napabor ang pagkawala ni Superv kay Court of Honour. Bukod kasi sa wala na siyang magiging matinding kalaban, humaba pa ang distansiya (2,000 meters) na akma sa de-remateng tulad niya.

Pero ikanga ng kilala nating karerista na si Boyetski ng Lico St., na puwedeng masilat si Court of Honour sa 3rd Leg tulad ng nangyari kay Superv sa 2nd Leg. Baka raw makaalagwa ang mga de-banderang kabayo at tuluyang mapabayaan na ito sa unahan.

Ang tanong ay kung sino ang magdadala ng bandea sa hanay nina Sky Hook, Princess Ella at Money Talks?

0o0

Itatakbo naman sa Sabado ang 2015 Philracom Hopeful Stakes Race sa Metro Turf na lalahukan ng mga kabayong Dinalupihan, Gentle Strength, Jazz Wild, Pag Ukol Bubukol, Princess Meili, Spicy Time at Tubbataha Reefs.

Tingin natin ay anybody’s race ito para sa pitong kalahok na mag-aambisyon na masungkit ang P600,000 na papremyo para sa mananalong kabayo.

Maganda at balansiyado ang pagkakalinya ng mga kalahok pero nagtatanong itong karerista ng Lico na si Boyet na bakit daw kailangang may itakbo pang Hopeful Stakes Race?

Ang alam daw kasi niya, ang Hopeful Stakes Race ay preparasyon ng mga 3-year old na kabayo na nag-aambisyon na makasali sa Triple Crown. E, paano nga raw makakasali pa sila e, itatakbo na sa Linggo ang 3rd at huling Leg ng Triple Crown?

KUROT SUNDOT – Alex L. Cruz

About Alex Cruz

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *