Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paghanga kina Boyet at Joel, ‘di ikinaila ni Coco

081914 Coco joel boyet

00 SHOWBIZ ms mHINDI ikinaila ni Coco Martin na fan siya ng magagaling na aktor na sina Christopher de Leon at Joel Torre. Kaya naman ganoon na lamang ang katuwaan ni Coco dahil kasama niya ang dalawa sa Ikaw Lamang. Si Boyet bilang si Franco at si Joel bilang si Samuel.

Ani Coco, hinangaan niya ang dalawa dahil sa talento at dedikasyon kapwa nina Joel at Boyet sa trabaho dagdag pa rito na marami siyang matututuhan.

Kapwa nakasama na ni Coco sina Boyet at Joel. Si Boyet sa Walang Hanggan samantalang si Joel ay sa Juan dela Cruz.

Sa interbyu ng abscbnnews.com kay Coco, natanong ang aktor kung kaninong career ang nais niyang sundan kina Boyet at Joel. Ani Coco, “Honestly hindi ko po alam kung saang direksiyon ako mapupunta. Kumbaga, nandoon pa lang ako sa gumagawa ako ng direksiyon para sa sarili ko.”

Pero iginiit na marami silang similarity ni Joel, “Si Tito Joel, marami kaming similarities. Kapag nasa set ako, inaaral ko rin sila ‘di lang bilang aktor kundi pati bilang tao. Sabi ko nga, ayaw ko namang umalis sa industriyang ito o sa trabahong ito na dumaan lang. Sabi ko, sana dumating ang araw na marating ko ‘yung narating nina Tito Joel at Tito Boyet na hindi ka man sumikat na sumikat, eh matatandaan ka ng tao dahil sa ginawa mo.”

Sa pagpapatuloy ng Ikaw Lamang, kung sa mga nagdaang panahon ay tila napakabigat ng mga eksenang nagaganap, ngayon nama’y tila nababago dahil sa pagpasok ng mga bagong character. Naging mas naging magaan at nagkaroon ng komedya dahil na rin sa mga nag-alaga kay Kim Chiu, sina Arlene Muhlach at Smokey Manaloto.

May mga nakakausap kaming laging tumututok sa Ikaw Lamang at nasisiyahan naman sila sa mga bagong nagaganap sa master seryeng ito ng Dreamscape Entertainment dahil hindi na raw katulad noon na sobrang napakabigat sa dibdib. Medyo nami-mis lang daw nila si Jake Cuenca bilang si Franco dahil napakahusay naman talaga nitong aktor.

Tutok lang gabi-gabi sa ABS-CBN2, para hindi mahuli sa mga kaganapan sa Ikaw Lamang.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …