Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily at Alfie, nagkasagutan

081514 mother lily alfie

00 SHOWBIZ ms mNAGULAT ang karamihang invited na entertainment press sa presscon ng Somebody To Love ng Regal Films at birthday celebration na rin ng Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde noong Huwebes ng tanghali sa Imperial Palace Suits.

Paano’y nagkasagutan sina Mother Lily at manager/columnist na si Alfie Lorenzo. At ang pinagtatalunan nila ay ukol sa director ng Somebody To Love na si Jose Javier Reyes. Tila galit si Tito Alfie kay Direk Joey dahil naman sa kanyang alagang si Judy Ann Santos.

Dahil doon, may mga nasabing hindi maganda si Tito Alfie ukol kay Direk Joey na siyang ikinasama na ng loob ni Mother Lily. Nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa. Hindi na namin babanggitin kung ano-ano iyon dahil ayaw na naming ma-stress. (Nakaka-stress din kasi ang may nag-aaway sa paligid kahit hindi ka naman kasali). Natapos lamang iyon nang pakiusapang lisanin na ni Tito Alfie ang hotel.

Humingi naman ng paumanhin si Mother Lily sa entertainment press matapos tagurian ni Tito Alfie ang mga press bilang mga ‘pulubi’. Nagpasalamat si Mother Lily sa mga tulong na ibinibigay sa kanya ng press para mai-promote ang kanyang mga pelikula. Iginiit ni Mother Lily hindi niya mararating ang kasalukuyang estado sa buhay kung wala ang tulong ng press.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …