Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jennylyn, mahal pa rin si Luis kaya wala pang BF?

ni ROLDAN CASTRO

TWENTY seven na si Jennylyn Mercado noong May 15 na hindi nakapag-celebrate ng birthday dahil may taping ng kanyang Rhodora X. Okay lang daw basta healthy at tuloy-tuloy ang pagpasok ng blessings.

Wala rin siyang balak na mag-celebrate ‘pag wala siyang taping. Itutulog na lang daw niya para makapagpahinga.

Kahit nali-link siya kina Benjamin Alves at Luis Alandy ay consistent si Jen sa pagsasabing hindi pa siya handa na magmahal ulit.

“Mas masarap naman, single, wala kang ibang iniiisip kumbaga family, sarili mo lang tapos career, ‘yun lang,” bulalas niya .

Hindi kaya si  Luis Manzano pa rin ang nasa utak niya?

“Hindi naman. Okay na ako. Happy na naman ako sa nangyayari sa buhay ko.

“Kaya lang, hindi talaga, eh. Ayoko pa muna, eh. Ini-enjoy ko ‘yung single life kasi ang pangit naman niyon ‘yung pagkatapos ng isa mayroon agad na isa, ‘di ba? Parang i-enjoy ko muna ‘yung eto single muna ako, wala munang iniisip,” bulalas niya.

Okey na raw si Jen at walang problema kung makasama sa isang project sina Luis at Angel Locsin.

Basta ngayon ini-enjoy niya ang tatlong character niya sa naturang serye bilang Rhodora, Rowena, at Roxanne. Pinakamahirap daw sa kanya ang character bilang Rhodora dahil very emotional, mahina at laging takot.

Sa totoong buhay, siya raw si Rowena, batang-isip.

“Type  ko siya, very light. Kasi parang ano eh, breaker,’ di ba? ‘Yung sobrang sama, sobrang buti, sa gitna siya ‘yung parang, masaya lang ako parati,”aniya.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …