Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alwyn, makakalaban ang mga totoong boksingero

ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI dapat palagpasin ng mga boxing fan ang mga susunod na episodes ng Beki Boxer dahil sasabak na si Alwyn Uytingco sa ring ng professional boxing.

Matapos magtagumpay si Coach Dalmacio (John Regala) sa kanyang masasamang plano sa pamilya ni Rocky Ponciano (Alwyn), mapipilitan si Rocky na agad sumabak sa mas palaban at mas komplikadong mundo ng professional boxing. At kahit pa mas nalalapit si Rocky sa kanyang misyon na maging isang world-class champion boxer, mas titindi naman ang mga pagsubok kakaharapin sa panibagong yugto ng kanyang boxing career.

Kilala bilang ‘The Tsunami’ sa mundo ng Beki Boxer dahil na rin sa kanyang signature tsunami punch, makakaharap ni Rocky ang real-life boxing legend at WBC Silver World Champion  Denver “The Excitement” Cuello.

Si Cuello, 27, ay may record na 33 wins na 21 dito ay knockouts. Gaganap ang Ilonggo boxing champ bilang Marvin ‘The Hammerhead’ Ortega. Isa lamang si Cuello sa listahan ng mga totoong boksingerong makakaharap ni Alwyn sa ring.

Huwag palampasin ang maaksiyong bakbakan sa Beki Boxer Lunes hanggang Biyernes, 7:00 p.m. bago ang Confessions Of A Torpe sa TV5!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …