Sunday , May 11 2025

2 anak ni bistek, mangingibang bansa na lamang (Dahil sa announcement ni Kris…)

ni  Maricris Valdez Nicasio

MARAMING negatibong reaksiyon ang naririnig namin simula nang ihayag ni Kris Aquino ang ukol sa pangliligaw ni Mayor Herbert Bautista sa kanya.

Marami ang nagsasabing sana’y walang nasisirang pamilya sa ligayang nararamdaman ngayon ni Kris.

Subalit, nakarating sa aming kaalaman na mag-aalsa balutan na ang dalawang anak ni Bistek kay Tates Gana. Magtutungo na raw ito sa ibang bansa.

Napanood daw kasi ng dalawang bata, sina Athena, 17 at Harvey 10 ang binasang statement ni Kris na nang mga oras na iyon ay nasa Boracay ang mag-iina. Masyado raw naapektuhan ang dalawang bata, ayon sa malapit sa mag-iina, kaya naman agad-agad ay gustong umalis ng Pilipinas.

“Sobrang apektado ‘yung dalawang bata kaya gusto nilang umalis ng ‘Pinas. Pupunta na lang daw sila sa abroad,” kuwento sa amin.

Nang kumustahin naman namin si Tates, ang isinasagot daw nito sa mga nagtatanong ay ‘okey siya’.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *