Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hataw si Marc Pingris

GAME na game talaga si Marc Pingris!

Ito’y kitang-kita sa kanyang   performance sa Game Five ng Finals sa pagitan ng San Mig Coffee at Rain Or Shine noong Linggo kung saan gumawa siya ng 18 puntos. Sayang nga  lang at  natalo ang Mixers, 81-74 at nabigong tapusin na ang serye.

Habang sinusulat ang kolum na ito ay inilalaro ang  Game Six.

Sa totoo lang, ang paglalaro  ni Pingris ay taliwas sa ipinayo sa kanya ng manggagamot.

Kasi nga, sinabihan siya na ipahinga muna ang kanang mata na tinamaan ni JR Quinahan sa isang rebound play sa third quarter ng Game Four. Magugunitang hindi na nakapaglaro pa si Pingris matapos ang insidenteng iyon pero nagawa ng Mixers na magwagi, 93-90 para sa 3-1 na bentahe sa serye.

Binendahan ang kanang mata ni Pigris na naupo na lamang sa bench, Ito’y upang maiwasan na maimpeksyon pa ang mata.

Matapos ang laro ay sinuri ang mata at napag-alaman na nagkaroon ng scratch ang pupil nito. Kailangang ipahinga o kaya ay magsuot ng maskara si Pingris sa mga susunod na laro.

Pero hindi niya ito ginawa.  Sa halip ay nilalagyan na lang niya ng anaesthesia ang mata habang naglalaro. Kapag natuyo, pinapatakan ulit ng anaesthesia. Medyo mahapdi sa umpisa iyon pero tinitiis ni Pingris upang patuloy siyang makapaglaro.

At gaya nga ng nasabi natin, nabale-wala ang lahat dahil natalo sila.

Pero okay lang kay Pingris iyon. Ang mahalaga ay pinilit niyang tulungan ang kanyang koponan.

Kung naiba si Pingris, baka hindi na siya naglaro at hinayaan na lang ang kanyang mga kakampi na magtrabaho.

Pero iba talaga ang puso ni Marc, e.

Kaya mahal siya ng mga fans!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …