Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Laglagan na! (Game Seven)

SA huling pagkakataon ay magkikita ang Barangay Ginebra San Miguel at San Mig Coffee upang  madisisyunan na kung sino sa kanilang dalawa ang makakalaban ng Rain or Shine sa best-of-seven Finals ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup.

Magtatagpo sa winner-take-all Game Seven ng semifinals ang Gin Kings at Mixers sa ganap na 8 pm sa Smart Araneta coliseum sa Quezon City.

Ang mananalo ay tutulak sa best-of-seven Finals na mag-uumpisa sa Biyernes.

Naitabla ng Gin Kings ang serye sa pamamagitan ng 94-91 panalo sa Game Six noong Lunes.

Sa larong iyon ay nakabawi ang Gin Kings sa 14-puntos na abante ng Mixers sa first half. Ang laro ay pinanood ng kanilang dating coach na si Senator Sonny Jaworski na nagbigay pa ng ilang inspiring words sa halftime.

“Our defense worked well especially in the third quarter,” ani Gin Kings coach  Renato Agustin na sumang-ayon na malaking tulong ang mga pananalita ni Jaworski sa halftime. “We needed to pressure them and be very aggressive. We succeeded in doing that.”

Ang Gin Kings ay pinamunuan ni Mark Caguioa na gumawa ng 21 puntos. Nagtala naman ng  20 puntos ang seven-footer na si Gregory Slaughter.

Nakabawi naman si LA Tenorio sa kanyang masagwang perdormance sa Game Five nang kumamada siya ng  16 puntos. Nagdagdag din ng 13 si Japhet Aguilar.

Sa kampo naman ng San Mig Coffee, ang two-time Most Valuable Player na si James Yap ay nagtala lang ng siyam na puntos samantalang si Joe DeVance y nalimita sa lima. Nabigo silang tulungan si Marc Pingris na gumawa ng conference-best 20 puntos.

Sa semifinals, ang SanMig Coffee ay nagwagi sa lahat ng odd-numbered games. Kinuha nila ang Game One 85-83), Game Three (97-89) at Game Five 79-76).

Nagwagi naman ang Barangay Ginerba San Miguel sa lahat ng even-numbered games. Kinuha ng Gin Kings ang Game two (93-64) at Game Four (85-82).

Nagkaganito man, sinabi ni Agustin na ang resulta ng unang anim na laro ay puwede nang kalimutan dahil sa ang puso at intensity na lang ng mga laro ang magdidikta sa kalalabasan ng serye.

Sa kabila naman ng kabiguang wakasan ang serye noong Lunes, naniniwala si San Mig Coffee Coach Tim Cone na nasa kanila pa rin  ang bentahe dahil sa sanay na sila sa Game Seven. Kinailangan nilang magwagi sa game seven ng nakaraang Governors Cup finals kontra Petron Blaze upang makamit ang kampeonato.

Umaasa si Come na makakabawi sina Yap at DeVance upang masuportahan sina Peter June Simon, Mark Barroca at Rafi Reavis. (SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …