Friday , November 22 2024

Akusadong mister nag-suicide sa justice hall (Suspek sa pagpatay ng sariling misis)

BABASAHAN na sana ng sakdal sa prosecutors office ang isang 44-anyos mister, na nahaharap sa kasong pagpatay sa sariling asawa  nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng Hall of Justice na  sa Las Piñas City, kahapon.

Kinilala ni Las Piñas police  chief  Sr/Supt.  Adolfo Samala, Jr., ang biktimang si Siegfred Cabunoc, ng Blk 11-A, Lot 7 Onyx St., Pilar Village na namatay noon din dahil sa pagkabasag ng bungo nang bumagsak sa baldosa, una ang ulo.

Sa inisyal na  ulat ni Chief Insp. Joel Gomez sa tanggapan ni Samala, ihahatid ni PO2 Al Sharrif Uy ng Investigation Division  si  Cabunoc  upang ma-inquest dakong 2:30 ng hapon, nang biglang magpipiglas pagdating sa ikatlong palapag ng gusali at agad tumalon una ang ulo.

Ani Chief Insp. Gomez, inaresto nila si Cabunoc noong Nobyembre 13, Miyerkoles, makaraan lumutang ang mga testigo na nagtuturo na siya ang pumatay sa asawang si Daisy Cabunoc, 54, noong nakaraang linggo.

Natagpuan ang bangkay ni Daisy, Nobyembre 11, sa bakanteng lote sa Manuyo I, tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ang bangkay ng ginang ay kinilala nang makita ng kanyang kapatid na si Gladys San Jose sa morgue noong Miyerkoles.

Kinilala rin ng suspek ang bangkay ng asawa at walang nagawa si Cabunoc nang arestohin ng pulisya matapos ituro ng apat na testigo.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *