Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sinto-sinto patay sa tarak (Abswelto sa asunto)

HINIHINALANG paghihiganti ang motibo sa pagpaslang ng hindi pa kilalang suspek sa 34-anyos lalaki na may kapansanan sa pag-iisip habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Ito ang hinala ng pamilya ng biktimang si Rosendo Dionio, Jr., residente sa Blk 79, Lot 26, 12th  & 21st Street, Brgy. Villamor, sa motibo ng pamamaslang nang matagpuan na iniwan pa ang patalim sa likod ng katawan ng biktima.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Cris Gabutin at PO3 Giovanni Arcinue ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), dakong 4:25 ng madaling araw, natuklasan ng kapatid na si Rolly Dionio, 36, ang bangkay ng biktima na nakasubsob sa harapan ng pintuan ng kanilang bahay.

Sa pahayag ni Rolly, posibleng may kinalaman sa pagpatay ang ginawang pagpasok ng kanyang kapatid sa isang bahay sa kanilang lugar na nakainom at nakahubo’t hubad  noong nakaraang taon.

Dahil sa naturang insidente, naghain ng reklamo ang magulang ng 14-anyos na dalagita laban sa kanyang kapatid sa tanggapan ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Pasay police ngunit hindi umakyat sa korte ang kaso matapos mapatunayan na may kapansanan sa pag-iisip si Rosendo, Jr.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …