Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ASG member huli sa Zambo (Suspek sa Jehovah’s witnesses kidnapping)

ZAMBOANGA CITY – Isang wanted kidnapper na sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), ang naaresto sa Brgy. Tictapul sa Zamboanga City.

Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay kinilalang si Ustadz Nijal Pajiran alyas Abdurahman at Abu Kudama.

Nadakip ang suspek ng magkasanib na pwersa ng iba’t ibang unit ng Philippine National Police at militar kasama ang mga tauhan ng grupo na bumubuo ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Batay sa warrant of arrest ng nahuling bandido, nahaharap siya sa anim na bilang ng kasong kidnapping with serious illegal detention with ransom.

Kabilang siya sa mga miyembro ng ASG na kumidnap sa anim na miyembro ng Jehovah’s Witnesses at pamumugot sa ulo ng dalawa sa mga biktima noong 2002 sa lalawigan ng Sulu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …