Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o magpakulong ng mga nagbebenta ng peke at hindi rehistradong mga gamot at suppliers sa online platform at physical stores sa kabila na mayroon nang mga nadadakip.

Ang pagkastigo ng mga senador ay naganap sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography na mismong ang magkapatid na Senators Raffy & Erwin Tulfo ang kumuwestiyon sa FDA ukol sa isyu.

Ipinagtataka ng magkapatid na Tulfo, sa kabila na nakasalalay ang kalusugan ng mga mamamayan ay parang pikit-mata lamang ang ahensiya.

Ayon kay FDA Field Regulatory Operation Office OIC Atty. Franklin Anthony Tabakin IV mula 2021 hanggang 2025 ay mahigit 100 suspek ang kanilang nasampahan ng kaso ngunit tatlo lamang ang nasentensiyahan ng korte pero hindi ipinakulong kundi pinagbayad lamang ng multa.

Aminado ang FDA na mayroon pang mga nakabinbin na administrative cases at mayroong 3,000 nakabinbin na ang kaukulang penalty ay P50,000 hanggang P500,000.

Samantala, ang pagsasampa ng kasong kriminal ay nakasalalay sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na kanilang katuwang sa operasyon.

Suportado ng FDA ang panukalang batas na ideklara o ituring na economic sabotage ang malawakang counterfeiting at ang mapatunayang nagkasala ay kulong habang-buhay.

Nanawagan ang magkapatid na Tulfo na gamitin ng PNP, NBI, at Philippine Drug Enforces Agency (PDEA) ang kanilang intelligence funds upang manghuli ng mga nagbebenta ng mga pekeng gamot at supplements.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bojie Dy kamara congress

“Anti-political dynasty” itinalakay na sa komite

ni GERRY BALDO INUMPISAHAN na ng Kamara de Representantes ang pagtalakay sa panukalang pagbuwag sa …

Black smoke

Maingay, maamoy
SUSPENSIYON VS PERMIT NG TIME CERAMIC HILING NG MGA RESIDENTE

SAN PASCUAL, Batangas — Nanawagan ang mga residente ng Brgy. San Teodoro laban sa Time …

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …