Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Im Perfect Sylvia Sanchez Leila De Lima

Cong de Lima sobrang na-touch sa I’m Perfect: inirekomenda at ipinagmalaki

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INA sa ina at hindi politika. Ito ang binigyang linaw at ibinahagi ng aktres/prodyuser Sylvia Sanchez sa pagpunta ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima sa Block Screening ng MMFF 2025entry ng Nathan Studios, I’m Perfect noong Lunes sa Fisher Mall VIP Cinema 1.

Kasamang nanood ng kongresista ang anak niyang si Israel na may autism spectrum.

Magiliw na binati si de Lima bukod kina Sylvia at Joey Marquez ni Earl Amaba at ng iba pang Down Syndrome kids. Wala ang nagwaging Best Actress sa MMFF 51 na si Krystel Go dahil nasa Bicol pa ito na dumalo sa kasal ng isang kamag-anak.

Pagkatapos mapanood ni de Lima ng Metro Manila Film Festival 2025 Best Picture at Jury Prize Best Ensemble, nagkaroon kami ng pagkakataong makausap ito at naibahagi nga niyang very personal sa kanya ang pelikula dahil mayroon siyang anak at apo na may autism.

The inclusivity of it all is very remarkable and that we need to really understand them. They can do it, you know, they can do it already. They have their own needs, they have their own feelings,” anang mambabatas.

Puring-puri rin niya sina Krystel at Earl.

And to show to the world that they can do it. And they can, in fact, do it. And then, of course, it is all about inclusivity. 

“Kasi siyempre, gone are the days na itinatago natin sila, gone are the days na ikinahihiya natin sila, gone are the days that they are considered, you know, a liability. 

“No, they are not at all a liability. And, in fact, they are supposed to be assets, they are blessings,” giit pa ng kongresista.

They can stand on their own as we can see in the movie. The plot, the storyline of the movie is very good. It’s about, of course, the love story between two persons with Down Syndrome,” sabi pa ni De Lima.

At dahil ang tema ng I’m Perfect ay love story din natanong namin si Cong de Lima kung handa ba siya sakaling ma-inlab din ang anak na si Israel.

Anito, “actually iyon ang iniisip ko baka iyong anak ko ma-inspire na rin na ma-inlab, pero ano ba ang magagawa ko? And my son is already 43 years old,” at tinawag niya ang anak at ipinakilala sa amin.

“This is Israel, he’s 43 years old, but still he’s an angel. He’s an artist, he’s a painter, ang galing po niya,”pagmamalaki sa amin ni Cong de Lima.

At nang itanong namin kay Israel kung may crush siya ngumiti lamang ito at ibinuking ng kanyang ina na marami itong hinahangaan. 

Mahilig siya sa mapuputi pero ‘yung innocent appreciation niya sa mga girl mayroon siya, pero inosente pa talaga,” nangingiting pagbabahagi pa ni de Lima.

Natanong din namin si de Lima kung ano sa mga eksena ang nagustuhan o tumatak sa kanya.

Actually maraming eksena na maganda kasi masasaya, ang cute-cute nilang mag-relay to each other eh (Earl and Krystel).

“Pero ‘yung towards the end na they are trying their best as husband and wife na alam naman nila na maraming limistasyon ang buhay nila as husband and wife, pero nagustuhan ko and very touching sa akin ‘yung realization ng kanilang parents.

“Parang moments of epitomy niyong kanilang parents, kasi noong umpisa ano talaga sila, mayroon silang pagdududa kung kakayanin nila. They are so worried on how their respective children, Jiro and Jessica on how can they cope lives as husband and wife. Pero in the end nagkaroon sila ng realization. That was moving to me. Na-accept nila iyon.”

Sa kabilang banda, nangako ang mambabatas na gagawa pa siya ng mga panukalang-batas na makatutulong sa PWD sector, kabilang na ang community ng mga may Down Syndrome at Autism.

Malaki pong leksiyon ang makukuha natin dito, so, please, please, I am inviting you and encouraging you to watch this film, ‘I’mPerfect’” pag-anyaya ni De Lima. 

Bukod dito, nag-post din ang mambabatas ukol sa pelikula kakabit ang mga picture kasama ang mga bida ng I’m Perfect.

Post niya, “Watched I’m Perfect with my son Israel, who is on the autism spectrum. We got to meet Ms. Sylvia Sanchez, Mr. Joey Marquez, and Earl Amaba, who brought “Jiro” to life on screen, along with the rest of the cast.

Indeed, a must-watch movie! Truly a beautiful and moving story that speaks gently about love and dignity, and marks a brave and meaningful step toward inclusive acceptance. 

Showing pa po in cinemas nationwide! Suportahan po natin at panoorin ang mga kalahok sa Metro Manila Film Festival!

Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Mabuhay ang sining na inklusibo at may puso! 🎬💙

Palabas pa sa maraming sinehan ang I’m Perfect at tulad ng sinabi ni Sylvia gagawa ng history ang mga bida ng kanilang pelikula na siyang nangyari.

Yes they can!” giit pa ni Sylvia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …