NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup matapos ang 94-83 panalo laban sa Magnolia sa huling ikalawang laro ng eliminations na ginanap nitong Linggo ng gabi sa SMART Araneta Coliseum.
Nanguna si Jordan Heading (No. 15) ng TNT Tropang 5G na may 23 puntos, kabilang ang 3-of-4 mula sa four-point range.
Nagtala naman si Calvin Oftana (No. 8) ng 17 puntos at siyam na rebounds. Si Rey Nambatac ay 2-of-4 mula sa four-point range para sa 11 puntos, kapareho ng naitala ni Kelly Williams, habang nagdagdag naman si Roger Pogoy ng 10 puntos para sa TNT.
Tinapos ng TNT ang kanilang eliminations campaign na may 8-3 rekord at lalaban sa No. 6 seed sa unang round ng playoffs sa Sabado, Disyembre 27 sa Smart Araneta Coliseum.
Samantala, nagtapos ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots na may 6-5 rekord at papasok sa final eight na may twice-to-win disadvantage, matapos mabigo na makapasok sa top four. Gumawa si L A Tenorio ang kanyang unang pagkakataon bilang playing-coach na may apat na puntos, dalawang rebound, at tatlong assist.
Nanguna si Zavier Lucero sa Hotshots na may 17 puntos at siyam na rebounds, nagdagdag si Mark Barroca ng 16 puntos at limang assists, habang nagtala naman si Ian Sangalang ng double-double na 12 puntos at 11 rebounds.
Photo caption:
UMASINTA si Jordan Heading ng TNT sa harap ni Rome Dela Rosa na nagrehistro ng 23 puntos kabilang 3-of-4 mula sa four-point range. (HENRY TALAN VARGAS)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com