Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at purihin ang memoir concert nito, ang Being Ice: Live! Magbabalik ito para sa isang gabi na punompuno ng magagandang musika at performance  sa makasaysayang New Frontier Theater sa Cubao sa Pebrero 27, 2026.

Itinuturing na pagbabalik sa pinagmulan ni Ice ang konsiyerto dahil anang sasawa nitong si Liza Diño-Se­guerra, pagbabalik-Cubao ito ni Ice dahil matagal iyong nanirahan at ang kanyang pamilya sa Cubao, malapit sa New Frontier Cinema.

Orinihal na itinanghal bilang isang intimate, cinematic na paglalakbay sa buhay ni Ice, ang Being Ice: Live! ang concert experience na lubos na aalingawngaw sa mga tagahanga hindi dahil sa pagiging emosyonal subaliti itinuturing ng magaling na singer bilang isa sa honest performance to date.

Available na ang tiket para sa Feb. 27, 2026 concert ni Ice  sa Ticketnet Online.

Ang P7,000 tiket ang pinakamahal at sa SSVIP seat ay may kasamang Meet-and Greet at photo op with Ice. Ang SVIP ticket ay P5,000 at ang VIP at P4,500. Ang Patron A and Patron B ay P3,500 at P3,000 respectively. Ang Loge ay P1,800, Lower Box ay 1,500 at ang Upper Box ay P1,000. Sulit ang ipambibili ninyo ng tiket sa husay ni Ice.

Prodyus ito ng Fire and Ice Live, ang first concert ni Ice para sa 2026.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …

Dustin Yu Bianca De Vera Kinakabahan Lily

Dustin may inamin sa kanila ni Bianca

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …