PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HINDI naman gimik lang ang pagdalo ni Eman Pacquiao sa premiere night ng KMJS: Gabi ng Lagim, The Movie last Monday.
Prior to that, talagang inamin ni Eman na showbiz crush niya si Jillian Ward at hiniling nito na sana ay magkatrabaho sila lalo’t Sparkle artist na rin ang sumisikat na anak ni Manny Pacquiao.
At dahil nagbibida si Jillian sa Sanib episode ng Gabi ng Lagim, nagpakita ng suporta si Eman by attending to the event at sinorpresa ang magandang dalaga sa red carpet.
Tuwang-tuwa at kilig na kilig ang mga instant fan nila at mga ‘shipper’ dahil humanga sila sa tila “smooth operator moves” ng batang boksingero.
Bukod kasi sa mabilis nitong niyakap si Jillian, mabilis din nitong ‘bineso’ ang aktres na may kasama pang “bulong sa tenga” na mukhang ikinakilig din ni Jillian lalo’t maraming nagsisigawan at tumitili for them.
Sa nakitang chemistry sa dalawa, hindi nakapagtatakang magkaroon sila ng project soon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com