Friday , November 22 2024

Hinaing ng Ilocos farmers dininig ni Villar

SINIMULAN ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, ang pagdinig hinggil sa  hinaing ng mga magsasaka sa Ilocos Norte  at Ilocos Sur kaugnay ng malaking importasyon ng bawang na dahilan kung bakit naapektuhan ang lokal na produkasyon at kinikita ng industriya ng bawang.

Sa public hearing na ginawa sa Mariano Marcos State Univereity sa Caunatyan, Batac City, Ilocos Norte, inalam ni Villar ang iba pang mga hinaing ng mga Magsasaka upang  matukoy ang akwal na ginagawa at polisiya sa importasyon ng bawang na laganap sa lokal na pamilihan.

Nais din ng mambabatas na malaman ang suliranin at ugat sa bumabagsak na industriya ng bawang sa naturang lugar at upang makahanap ng posibleng kalutasan upang matugunan ang nasabing problema.

Base sa National Garlic Team (NGAT), ang kasalukuyang presyo ng lokal Garlic ay P60 hanggang P80 kada kilo habang ang imported na bawang ay nagkakahalaga ng P50 anggang P60 kada kilo.

Si Villar ay nagdaos ng public hearing sa Ilocos Sur at Ilocos Norte kasama sina Senador Bongbong Marcos, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, at Agriculture Secretary Proseso Alcala.

Batay ito sa Senate Resolution No. 238 ni Villar at Senate Resolution No. 262 ni Senadora Miriam Defensor Santiago.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *