PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MEDYO pumayat ngayon si Julia Barretto kompara sa last time namin itong nakita at nakapanayam.
Sa launch ng kanyang Bee Bee lip conditioners under Viva Beauty, wala halos make-up ang dalaga.
Inialay niya sa kanyang younger sibling ang bagong negosyong pinasok dahil aniya, ang bunsong kapatid ang humimok sa kanya to try engaging into business.
Nasa event din ang kanyang nanay na si Marjorie at nakasuporta sa bagong venture ni Julia.
May apat na variants ang lip conditioner na Bee Bee gaya ng Sweet Nectar, Beekeeper, Honey Dip, at Bee You.
No talk of her love life si Julia, dahil aniya, “I am happy, have peace of mind and have this Bee Bee business.”
Enjoy na enjoy din siya sa kanyang Eat Bulaga stint plus magiging busy din once mag-umpisa na ang shoot ng project nila ni Enrique Gil.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com