Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s Nightingale, Lani Misalucha dahil selebrasyon din ito ng kanyang four decade ng timeless music at artistic excellence. 

Handa na ngang magbalik-concert scene si Lani sa pamamagitan ng Still Lani sa August 21, 2025 sa The Theatre Solaire, Paranaque handog ng Backstage Entertainment, division ng Backstage Manila at pinangunahan ng mga prodyuser na sina Nate Quijano at Cris Mananquil at pinamunuan ni Calvin Neria.

Kitang-kita ang excitement ni Lani sa pagbabalik-concert sa isinagawang media conference noong Miyerkoles sa Pandan Asian Cafe dahil matapos nga naman ang matagal-tagal na hindi pagsampa sa concert scene dahil sa pagkakasakit heto’t maisasakatuparan na ang kanyang gustong-gustong ginagawa. Ang makapaghatid ng magagandang musika sa pamamagitan ng konsiyerto.

Natagalang bumalik si Lani sa pagko-concert dahil sa pagkakaroon ng bacterial meningitis noong taong 2020. Ang malala, silang dalawang mag-asawa pa ang nagkaroon nito. Dahil sa bacterial meningitis naapektuhan ang kanilang pandinig, vestibular disorder, gayundin ang vision na aniya, “gumagalaw consistently and mayroon ding tinnitus.”

Dahil dito hindi niya nakayanang kumanta. May pagkakataon din kasing nahihilo siya sabi pa ng singer.

“Gumagalaw ‘yung vision, as in hanggang ngayon ganoon pa rin ‘yung condition namin and then we’re partially deaf sa right ear. So it was really a difficult time for me because siyempre naman, I’m a singer and then mahirap ‘yung pandinig,” pahayag pa ni Lani na dahil dito’y nauwi pa sa depresyon. 

Inihayag pa ni Lani na dumating din siya sa puntong ayaw na niyang kumilos dahil nga pagkahilo. Ayaw na rin niyang makipag-socialize o makipag-usap man lang sa mga tao dahil nga hirap siya o mahina ang kanyang pandinig.

“Ang mga taong naririnig naming nagsasalita matinis o mataas ‘yung boses.

“So, imagine you’re talking to a person with a bassy voice, low bassy voice pero ganoon pa rin ang pandinig mo.”

Ganito ang pandinig nila sa unang anim na buwan. At umayos lang din ang kanilang pakiramdam nang maging normal na ang dating ng mga salita ng tao sa kanila. Pero ang pandinig nila ay hindi pa rin ganoon kabuti hanggang ngayon. 

Inamin din ni Lani na may pagkakataong hindi niya nahi-hit ang notes. “Over a month and I feel na mayroon talagang time na kumapal ang boses ko that time, ‘yung boses ko bumaba hindi ko nahi-hit ang mga note. And yes, nagsintunado rin ako.”

Ang Still, Lani ay ididirehe ni Toma Cayabyab, anak ni National Artist for Music Ryan Cayabyab kasama ang 40-piece orchestra.

Kaya ‘wag palampasin ang maituturing na historic night of music, mastery, and legacy, Still Lani. Dahil sabi nga ng Backstage Entertainment more than a concert ito. At once in a lifetime celebration ng voice na nangingibaw ang genre, lengguwahe, border–boses na nagbibigay istorya, pumupukaw ng kaluluwa, at nagpapadagundong ng mga damdamin/puso. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …