Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Castro itutuloy ang programa ng Gilas

MALAKI ang kompiyansa ng dating team manager ng Gilas Pilipinas na si Butch Antonio sa kanyang kapalit na si Salvador “Aboy” Castro.

Hinirang si Castro sa kanyang bagong trabaho bilang bahagi ng pagbalasa ng mga team managers na hawak ng MVP Group.

Inilipat naman si Antonio sa MVP Sports Foundation ngunit mananatili pa rin siya sa Meralco bilang team manager.

Si Paolo Trillo ang papalit kay Castro sa paghawak ng Talk ‘n Text.

“At least I get to focus more on Meralco,” wika ni Antonio sa isang panayam sa radyo noong isang gabi. “Preparations under Aboy are moving already and he will have to sit down with the PBA about how to go about the preparations for the FIBA World Cup.”

Ngunit kahit wala na si Antonio sa Gilas, makakasama rin niya ang national team sa biyahe nito sa Espanya para sa FIBA World Cup sa susunod na taon.

“Our modest goal is to make it to the second round. If we can win at least two games in our bracket, then we are assured of a slot in the top 16 in Spain,” ani Antonio.             (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …