Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP PRO3 Central Luzon Police

PNP Gitnang Luzon full alert na para sa 12 May elections

ALINSUNOD sa kautusan ng Philippine National Police (PNP) Headquarters, isinailalim na sa full alert status ang Police Regional Office 3 (PRO3) mula 12:01 AM ng 3 Mayo hanggang 11:59 PM ng 15 Mayo 2025.

Ito ay bahagi ng mas pinaigting na paghahanda para sa seguridad, siyam na araw bago ang nakatakdang national at local elections sa 12 Mayo.

Ayon kay PRO3 Regional Director, PBGeneral Jean S. Fajardo, puspusan ang kanilang paghahanda upang matiyak ang isang mapayapa, maayos, at malinis na eleksiyon sa buong rehiyon ng Gitnang Luzon.

“Kami ay nakikipagtulungan sa COMELEC, AFP, at iba pang ahensiya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa araw ng halalan. Ang kapayapaan ng halalan ay kapayapaan ng sambayanan,” pahayag ni RD Fajardo.

Kabilang sa mga direktibang ipinatupad sa ilalim ng full alert status ay ang pag-deploy ng karagdagang pulis sa mga identified election areas of concern at voting centers sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, at Pampanga.

Nakahanda na rin ang mga Quick Reaction Forces (QRF) at Reactionary Standby Support Forces (RSSF) upang agad tumugon sa mga insidente ng karahasan o kaguluhan.

Tiniyak ng PRO3 na 24/7 ang kanilang monitoring operations, katuwang ang mga intelligence units, upang agad matukoy at maagapan ang mga banta sa seguridad.

Nanawagan din ang PRO3 sa publiko na makipagtulungan sa pulisya, iwasan ang pagkalat ng maling impormasyon, at agad iulat ang mga kahina-hinalang kilos na maaaring makasagabal sa halalan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …