Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
FFCCCII

Ne Zha 2 suportado ng FFCCCII, pelikulang magbibigay inspirasyon sa mga Filipino   

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SINUPORTAHAN ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc.(FFCCCII) sa pangunguna ng pangulo nitong si Dr Cecilio Pedro ang exclusive screening ng Chinese animation, Ne Zha 2 na ginanap sa VIP Premiere Theater ng Fisher Mall noong Sabado, Marso 15.

Maaga pa lang ay naroon na sina Mr. Pedro kasama ang iba pang opisyales ng FFCCCII tulad nina VP Jeffrey Ng, VP Frank Co, Secretary General Dr. Fernando Gan, Board Member Wilson Lee Flores,Director Eddy Cobankiat, Director Patrick Cua at iba pang mga kaibigan.

Ayon kay Dr. Pedro naintriga siya sa pelikulang Na Zha 2 dahil word of mouth ito bukod pa sa number one animated box-office hit at nagtala bilang 5th highest-grossing film sa cinematic history na ipinalabas sa 37 European countries.

“Isang mainit na pagtanggap at taos-pusong pasasalamat sa inyong pagdalo sa makasaysayang okasyong ito. Sa ngalan ng FFCCCII, ako po si Dr. Cecilio K. Pedro, ay lubos na nagagalak na kayo’y naririto para sa eksklusibong premiere ng ‘NE ZHA 2’, isang pelikulang nagdudulot ng pag-asa, tapang, at pagpapahalaga sa pamilya!

“NE ZHA 2, the world’s number 1 box office animation and the 6th highest-grossing film of all time, is a triumph not just for China, but for all of Asia. Its universal themes of courage, family, and overcoming adversity resonate deeply with Filipino values.

“The success of this film should inspire us in the Philippines and across our region to embrace our own stories, amplify our creativity, and prove that Asian narratives can captivate the world.

As we enjoy this cinematic masterpiece, let us reflect on how Ne Zha’s journey mirrors our own aspirations. Just as he rose above challenges through unity and resilience, so too can our nations achieve greatness by working together,” ani Dr Pedro na mayroong   ding positibong reviews ang pelikula mula sa The Hollywood Reporter, Variety, at iba pa.

Na-enjoy namin ang panonood ng animation film na tulad ng tinuran ni Dr Pedro, maraming aral ang makukuha rito. Pampamilya ang pelikula na nagpapakita ng pag-asa, tapang, at pagpapahalaga sa pamilya. Ipinakita rin dito ang wagas na pagmamahal ng isang ina sa anak. Na ibibigay ang lahat kahit maging kapalit pa ang buhay.  

Sa kabilang banda, sa mga susunod na buwan, maglulunsad pa ang FFCCCII ng cultural at civic projects bilang bahagi ng Golden Anniversary celebration ng Philippines-China Diplomatic Relations na mula sa iba’t ibang philanthropic, economic, at civic initiatives.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …