Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Rene Sarmiento Chiz Escudero

Konstitusyon nilabag ni SP Escudero — ConCom

030525 Hataw Frontpage

BUKOD sa ibig sabihin na kaagad at kagyat, ang salitang “forthwith” sa Konstitusyon ay katumbas ng aksiyon na nangangahulugang pigilan ang korupsiyon para bigyan ng proteksiyon ang constitutional government.

Tahasangsinabi ni Constitutional Commissioner, Atty. Rene Sarmiento, isa sa mga nagbalangkas ng kasalukuyang Konstitusyon, ang probisyong “forthwith” sa Konstitusyon ay nangangahulugang agarang simulan ang impeachment trial.

Aniya, “ito ay isang ‘utos’ at layunin nitong pigilan ang mga pang-aabuso ng mga opisyal ng gobyerno, panagutin sila, at mapanatili ang “constitutional government.”

Ayon kay Atty. Sarmiento sa isang panayam sa radio, ang anim na buwang pagkaantala sa paglilitis na gusto ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ay “hindi makatuwiran.”

Idinagdag ng komisyoner na ang lahat ng mga patakaran, batas, at polisiya ay “dapat sundin ang Konstitusyon” alinsunod sa doktrina ng konstitusyonal na kataas-taasan.

Nanindigan si Sarmiento, kung hindi susundin, ang ‘bisa’ ng batas ay hindi na dapat naroroon at ang mga nagkakamaling opisyal ng gobyerno ay hindi na matatakot.

Dahil dito, hindi naitagong kuwestiyonin, kung bakit gustong simulan ni Escudero ang paglilitis sa 30 Hulyo, halos anim na buwan matapos isumite ng Kamara ang mga artikulo ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte noong 5 Pebrero gayong maaari naman ngayong 15 Marso o sa Abril.

Nag-adjourn ang sesyon ng Senado, isang oras pagkatapos matanggap ang mga article of impeachment o reklamo gayong mayroon pang dalawang araw o hanggang 7 Pebrero sa kanilang kalendaryo.

Mula noon, sinasabi ni Escudero na hindi maaaring litisin ng Senado si Duterte sa panahon ng kanilang session break.

Bukod dito, binalewala ni Escudero ang lahat ng mga panawagan at argumento para sa agarang pag-convene ng impeachment court at hiniling na dapat ay mayroong “clamor” bago niya ipagpatuloy.

Binigyang-linaw ni Sarmiento, “dapat walang pagkaantala” sa impeachment trial tulad ng iniuutos ng Konstitusyon “dahil ang isyu ng pananagutan sa gobyerno ay mahalaga…at ang pampublikong tungkulin ay isang pampublikong tiwala.”

Idinagdag ni Sarmiento, maraming miyembro ng komisyon ng konstitusyon ang sumasang-ayon sa kanya na ang “forthwith” ay nangangahulugang “dapat ituloy agad, at hindi nag-aatubili.”

Si Duterte ay inakusahan ng malalaking krimen kabilang ang korupsiyon na umaabot sa bilyon-bilyong piso at pagbabanta na patayin ang Pangulo at Unang Ginang. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …