Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Makati City

10,000 plus illegal Makati residents hinainan ng petisyon sa MTC

NAGSAMPA ng petisyon ang United Nationalist Alliance (UNA) sa Makati Metropolitan Trial Court (MTC) batay sa nilalaman ng Section 35 ng Republic Act 8189  o kilala sa tawag na  Voters Registration Act of 1996  na naglalayong madiskalipika ang mahigit 10,000 sinabing nagparehistro sa lungsod ng Makati sa kabila na hindi sila bona fide residence ng lungsod.

Naniniwala ang UNA na ito ay hindi lamang isang legal na aksiyon kundi isang laban upang protektahan ang kapayapaan ng darating na halalan sa lungsod ng Makati.

Tiniyak ng UNA na hindi nila hahayaan ang mga mapanlinlang at mga mandaraya ang magdikta sa kinabukasan ng mga tunay at totoong resisdente ng lungsod.

Natuklasan ng UNA ang mga nakaaalarmang iregularidad sa listahan ng mga botante ng Makati sa 1st at 2nd legislative districts, kabilang ang mga solong address na nagho-host ng daan-daang mga nagparehistro, mga bakanteng lote, at barong-barong na nakalista bilang mga tirahan, at maging ang mga pribadong ari-arian na mapanlinlang na inaangkin ng mga estranghero.

Batay sa impormasyon mula sa mga residente ng Makati at na-validate ng sariling imbestigasyon ng grupo, mayroong mahigit 50,000 flying voters na nakalusot sa roster of voters ng lungsod.

Lumalabas din aniya na ang ilang opisyal ng barangay ay kasabwat sa pamamagitan ng pagbibigay ng Barangay Certificates of Residency para sa mga hindi residente ng Makati nang hindi tinitiyak kung sila nga ay naninirahan sa kani-kanilang mga ibinigay na address.

Ang petisyon ng UNA ay naglalayong panagutin ang 10,558 mapanlinlang na mga rehistro upang mapangalagaan ang integridad ng halalan sa Makati.

Noong Oktubre 2024, tinutulan ng UNA ang paglipat ng mga nakalistang rehistro, na nagresulta sa mahigit 3,000 ‘flying registrants’ na tinanggihan ng pagpaparehistro ng Komisyon.

Hinihimok ng grupo ang Comelec na gumawa ng agarang aksiyon sa pamamagitan ng isang imbestigasyon at tanggalin ang mga mapanlinlang na botante. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …