Friday , January 10 2025
Geneva Cruz Rachel Alejandro Jeffrey Hidalgo Marissa Sanchez Nasaan Si Hesus

Geneva Cruz tinupad ng Nasaan Si Hesus? pangarap maging madre

MATAGAL na palang pangarap ng aktres na si Geneva Cruz ang mag-madre. At ngayon lamang iyong maisasakatuparan sa pamamagitan ng Nasaan si Hesus?: The Musicale.

Gagampanan ni Geneva ang role na isang madre kaya naman isa iyon sa dahilan kung bakit sobra siyang na-excite at tinanggap ang pelikula.

Sa media conference ng Nasaan si Hesus? sinabi ni Gen na first time niyang gaganap bilang madre. Matagal-tagal na rin kasing hindi gumagawa ng pelikula ang aktres/singer dahil namimili rin siya. 

Medyo namimili rin kasi ako dahil hindi magugustuhan ng 29 year old kong anak ‘yung madalas na offer, which is sexy nga,” katwiran ni Gen. 

Handa namang muling umarte, naging mapili lamang talaga siya sa mga proyektong gagawin at lagi niyang isinasaalang-alang ang kapakanan ng kanyang mga anak. 

At nang dumating ang offer ng Balin Remjus Inc. at Great Media Productions, Inc., nagustuhan niya agad dahil bukod nga sa maganda ang role na gagampanan niya, makakasama pa sa musical movie sina Rachel Alejandro, Janno Gibbs, Jeffrey Hidalgo, Marissa Sanchez at marami pang iba.

Aniya, 10 or 11 years old siya noong magustuhang mag-madre. “Gusto kong pumasok sa kumbento para mag-madre. Siguro kasi madalas kaming magsimba noon kasama kasama ang lola ko and with matching belo pa kaya feel na feel ko ang pagdarasal at pag-attend sa misa tuwing Linggo.

“And gusto ko lang talaga (mag-madre). I went to St Joseph School in Tondo, Manila and siguro isa rin iyon sa naka-influence sa akin,” katwiran pa ni Gen.

Pero biglang nagbago ang kagustuhan niyang maging madre noong maging teenager na at nang pasukin na niya ang entertainment industry.

“Nabago nang maging member pa ng Smokey Mountain at pinasok ang showbiz. Nagkaroon pa ng mga crush. Kaya nasabi ko noon na hindi para sa akin ang magmadre,” pagbabahagi pa ni Gen.

At pagkaraan dumating pa sa buhay niya si Paco Arespacochaga at nagkaroon sila ng anak, si Heaven Arespacochaga na ngayon ay binata na, 28 taong gulang.

Kaya nga nabanggit nito sa mediacon na dream come true talaga sa kanya ang pagganap na madre sa musical/advocacy film na Nasaan si Hesus? 

Ang Nasaan si Hesus? ay isinulat ng yumaong manunulat na si Nestor Torre, musika at liriko ni Lourdes Bing Pimentel at ididirehe ni Dennis Marasigan.

Pagbabahagi pa ni Geneva, hiniling niya kay direk Dennis na sa kanya ibigay ang role ng madre. “Sa movie na ito natuloy ang pangarap kong maging madre.”

Sinabi pa ni Gen na maganda ang istorya ng musical movie na kapupulutan ng aral bukod pa sa mga kaibigan pa niya sa industriya ang mga kasama niya rito.

Sa kabilang banda, sinabi naman ng producer na si Mrs. Pimentel na siya ang nagsulat ng mga original song sa pelikula. Matagal na rin pala ang ang musical play. Hindi lamang matuloy-tuloy ang pagsasalin nito sa pelikula kaya medyo natagalan ang pagsasapelikula.

Pero aniya, naniwala siya na basta mabuti ang ginagawaat walang inaapakan o inaagrabyadong kapwa, darating ang blessings para matupad ang mga pangarap. 

“Our purpose in making this film is to disseminate information and inspiration. This film is a form of offering of praise, thanksgiving, and petition.

“Salvation is near if we open our hearts and listen. We wanted to show everybody that God is always here,” aniya pa.

Unang naipalabas ang Nasaan si Hesus? Noong mid-2000 at naulit noong 2017. Ang play ay nabuo ng 80 beses para sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at iba pagn audiences sa iba’t ibang parte ng Pilipinas kasama na ang Cultural Center of the Philippines (CCP).

In-update na lamang ng creative team sa pamumuno ni Mrs Pimentel, writer-director Dennis, at musical director/arranger TJ Ramos ang Nasaan si Hesus? Para sa digital age. 

“The movie will tacke the complexities, difficulties and temptations faced b different individuals and how individuals can maintain faith in today’s world,” sambit ni direk Dennis. 

Kasama rin sa pelikulang ito sina Rachel Gabreza ng Tawag ng Tanghalan, Gianni Sarita ng The Voice Kids at iba pang artista mula sa entablado, recording, at pinilakang tabing.

Ang kuwento ng Nasaan si Hesus? Ay umiikot sa mga problema ng mga nakatira sa isang pamayanan tungkol sa pamilya, pera, pag-ibig, trabaho, at politika. Haharap ang mga karakter sa mga tukso at ang kanilang pananalig sa Diyos ay masusubok.  

Magsisimula ang pagsasapelikula ngayong Enero at nais ng mga prodyuser na ipalabas ito bago mag-eleksiyon.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Santos

Gerald ‘maghuhubad’ ng katauhan sa Courage concert

RATED Rni Rommel Gonzales BAGO magtapos ang 2023 ay nakahabol pa kami ng tsikahan with …

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …