Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bradley llamado kay PacMan

PAGKATAPOS talunin ni Timothy Bradley si Mexico’s Juan Manuel Marquez sa Thomas & Mack Center at mapanalunan ang WBO welterweight crown, mainit na ngayong pinag-uusapan ang rematch nila ni Manny Pacquiao.

Noong linggo ay naglista ng malaking upset si Bradley nang talunin niya si Marquez via split decision.

Maging si Roger Mayweather, tiyuhin at trainer ni Floyd, na nagsasabi na hindi na nga maiiwasan ang muling paghaharap nina Pacquiao at Bradley sa isang rematch.  Matatandaan na tinalo ni Bradley ang Pambansang Kamao sa isang kontrobersiyal na desisyon kung kaya naghahangad ng isang rematch ang Pinoy boxer.

Ayon kay Roger ay tumaas ang kredito ni Bradley nang talunin niya si Marquez.

”It was a pretty good fight,” pahayag ni Roger. “It was alright. He didn’t have no dominating performance but he won.”

Nang tanungin ng mga mamamahayag kung anong bagay na iginalaw sa ring ni Bradley ang nagpa-impress kay Roger—agad namang umiling ito.

“The only thing that impressed me was who he said he wanted to fight,” pang-aasar ni Roger. “He said he wanted to fight Floyd Mayweather.”

Sa napipintong rematch nina Bradley at Pacquiao, agad namang nagbigay ng pahayag si Roger at sinabing mananalo si Bradley sa magiging rematch.

Dagdag niya na sa lumipas na 16 months mula sa una nilang laban  ay marami nang nabago kay Bradley.   At malinaw na tatalunin na niya si Pacquiao sa muli nilang paghaharap.

“He’ll beat Pacquiao,” pahayag ni Roger. “I think he’ll beat Pacquiao.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …