Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abueva di na puwede sa MVP

DAHIL sa mga bagong patakaran ng PBA tungkol sa pagpili ng Most Valuable Player, wala na sa kontensiyon para sa parangal ang rookie ng Alaska na si Calvin Abueva.

Ayon sa Operations Director ng PBA na si Rickie Santos, tanging ang mga nanalo bilang Best Player of the Conference na lang ang puwedeng manalo bilang MVP.

Nakuha ni Jason Castro ng Talk ‘n Text ang BPC sa Philippine Cup kasunod si LA Tenorio sa Commissioner’s Cup at Arwind Santos sa Governors’ Cup.

Nangunguna si Santos na may 30.3 statistical points habang kasunod si Tenorio na may 28.1 at Castro na may 26.8 naman.

Tanging Rookie of the Year na lang ang puwedeng kunin ni Abueva para sa PBA Leo Awards na gagawin bukas sa Mall of Asia Arena simula alas-6 ng gabi bago ang Game 4 ng PBA Governors’ Cup Finals sa alas-8.   (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers, target ang sweep; Final Four contenders umiinit sa huling salpukan

Mga laro ngayong araw (Paco Arena) 1 p.m. – VNS vs Alpha 3 p.m. – …

World Slasher Cup Ikalawang Edisyon 2026

Rehistrasyon sa World Slasher Cup – Ikalawang Edisyon 2026 nagbukas na

PORMAL nang nagbukas ng rehistrasyon ang World Slasher Cup (WSC) para sa ikalawang edisyon ng …

Raheel Bhyria

Raheel Bhyria 1 taon pa bago tuluyang gumaling sa aksidente sa basketball

RATED Rni Rommel Gonzales NASA maayos na kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling na si Raheel Bhyria nang maaksidente …

Alesandrea Carpio PSA Forum PSC

Filipinas, Tutok sa Teamwork para sa World Cup

IPINAHAYAG ni Filipinas forward Alesandrea Carpio na iisa lamang ang pinakamabisang paraan upang makapaghanda ang …

PSC POC Philippine Sports Hall of Fame GAB

Mga bagong alamat, magniningning sa Philippine Sports Hall of Fame

ANG prestihiyosong Philippine Sports Hall of Fame ay tatanggap ng ikalimang pangkat ng mga inductee …