Sunday , August 10 2025

Parks hindi sasali sa draft sa PBA

NAGDESISYON si Bobby Ray Parks na hindi na siya magpapalista sa PBA Rookie Draft sa Robinson’s Place Manila sa Nobyembre 3.

Sinabi ng kanyang ahenteng si Charlie Dy na tatapusin ni Parks ang kanyang pag-aaral sa National University at lalaro siya para sa Banco de Oro sa PBA D League.

Lalaro rin si Parks sa RP team na lalahok  sa Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Idinagdag ni Dy na hindi talaga puwedeng magpalista si Parks sa draft dahil sa Pebrero pa ng susunod na taon ito magdiriwang ng kanyang ika-21 na taong kaarawan na isa sa mga patakaran ng PBA para sa mga draftees.

Bukod dito, kailangang magtapos ng kolehiyo ang aplikante.

Dahil dito, malamang ay hindi na lalaro si Parks para sa NU sa susunod na UAAP season.

Nadismaya si Parks nang matalo ang Bulldogs sa Final Four ng UAAP kontra University of Santo Tomas.       (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Manila Marathon Rio Dela Cruz Andrew Neri

Manila Marathon, aarangkada sa Linggo

MALUGOD na inihayag ni international marathoner Rio Dela Cruz president at CEO ng Run Rio …

Antonia Lucia Raffaele Zoe Lim Philippine Artistic Swimming Team

Sa Hong Kong Open
Philippine Artistic Swimming Team, nakasungkit ng 3 bronze medals

PATULOY ang pag-igting ng koponan ng artistic swimming ng Filipinas sa pandaigdigang entablado, matapos nilang …

Carlo Biado PSC

CARLO BIADO PINARANGALAN NG PSC MATAPOS ANG IKALAWANG KAMPEONATO SA WORLD 9-BALL
PSC maghahandog ng billiard set sa pangalan ng Filipino champ bilang pamana sa susunod na henerasyon

PASIG CITY — Kinilala ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pambihirang tagumpay ni Carlo Biado, …

Agatha Wong The World Games 2025

Agatha Wong ng Wushu flag bearer sa The World Games 2025

NAPILING isa sa mga flag bearers ang Filipina wushu gold medalist na si Agatha Chrystenzen …

Padel Pilipinas

Ulat ng mga nagawa ng Padel Pilipinas

SA NAGANAP na General Assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) kahapon, buong pagmamalaking inilahad ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *