Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hagdang Bato hindi tiyak sa Cojuangco Cup

May posibilidad na hindi matuloy ang Hagdang Bato vs Crusis sa darating na pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) Ambassador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. Cup sa bakuran ng Metro manila Turf Club sa Malvar,Batangas.

Sa kondisyon ni Hagdang Bato, bantulot ang kampo ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na ikasa sa Cojuangco Cup ang kanyang alaga.

Sadya nga yatang umiiwas si Abalos na makaharap si Crusis dahil higit na pinaghahandaan ng Hagdang Bato ang local race na Presidential Gold Cup ang pakarera ng Charity Sweepstakes Office.

Kahapon pinuntahan ko si Abalos paalis na siya matapos dumalo sa flag rising isang pahabol na tanong ang pinukol ng inyong lingkod kung handa na ba ilaban sa Cojuangco Cup si Hagdang Bato.

Matipid na sagot lamang ang iginanti ni Abalos “baka Hindi”.

Wala pa sa planong ni Abalos na iharap sa mabigat na laban si Hagdang Bato dahil higit na pinaghahandaan nito ang pagtatanggol sa korona sa Presidential Gold Cup.

Ang Cojuangco Cup ay may papremyo P2- Milyon na tatawid sa distansiyang 2,000 meters na bakas para sa lahat ng mananakbong local  at imported.

Ang Presidential Gold Cup ay gaganapin sa buwan ng Disyembre  na may distansiya 2,000 meter  din na bukas lamang sa mga local runners.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …