Monday , November 25 2024

Grupo ni dating Mayor Leyble inabswelto sa murder

IBINASURA ng Department of Justice ang kasong murder laban kay dating Antipolo City Mayor Danilo Leyble at anim na iba pang respondent kaugnay sa pagpatay sa sinasabing gunman sa nabigong paglikida sa mag-amang sina Antipolo City Mayor Casimiro Jun Ynares III at ama niyang si dating Rizal Gover Caismiro ‘Ito’ Ynares

Sa pitong pahinang resolusyon na nilagdaan ni Associate Prosecutor Edgar Mamia,  pinawalang-sala sa kasong murder sina Alfredo Cunanan Garcia, Danilo Aquino, Ricky Reyes, Tintin Garcia, dating Vice Mayor Ronaldo Leyva at Atty. Andrei Zapanta.

Ang mga nasabing respondent ay tinukoy ng complainant na si Dorina Laroco na nagsabwatan upang patayin ang kanyang mister na si Rolando Laroco, natagpuang tadtad ng 14 na tama ng bala ng baril noong August 26, 2013 sa San Isidro, Antipolo City.

Itinuturo ng naturang ginang  ang mga respondent na nasa likod ng pagpaslang sa kanyang mister matapos na umano ay mabigo ang huli na isakatuparan ang planong pagpatay sa mag-amang Ynares.

Sa pagbasura sa kaso, nilinaw ng DOJ na maliban sa  ipinakitang larawan ng kanyang asawa na tadtad ng bala, wala namang ibang ebidensiya na naipresenta ang complainant upang panagutin sa krimen ang grupo ng dating alkalde.

”While we sympathize with her with the death of her husband, we are also duty bound not to indict any person if the same was not warranted by evidence”, paliwanag sa ruling ng piskalya.

Nilinaw din sa resolusyon na hindi maaaring gamiting ebidensiya at batayan sa pagsusulong kaso ang mga haka-haka lamang na nilahad ng ginang at maging ng ilang sinasabing testigo.

”A witness can testify only to this fact which he knows of his personal knowledge, that is which are derived from his own personal  perception”, saad sa isang bahagi ng resolusyon.            (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *