Friday , April 18 2025
Lito Lapid TODA

1,000 TODA members tumanggap ng relief packs at ayudang pinansiyal mula sa DSWD at kay Senator Lapid

NASA 1,000 tricycle drivers ang nabigyan ng family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isinagawa sa Cavite City nitong Miyerkoles, 4 Setyembre.

Sa inisyatiba ng opisina ni Senador Lito Lapid, bukod  sa food packs, nabiyayaan din ng kaukulang tulong pinansiyal ang mga benepisaryo.

Ang mga benepisaryo ay pawang apektado ng bagyong Enteng (International Code: Yagi) na nanalasa sa Cavite, Metro Manila, Rizal, at ibang lalawigan sa bansa.

Ang pangangailangan ng mga benepisaryo ng relief goods at ayuda ay galing sa DSWD.

Todo pasalamat ang mga benepisaryo kay Senador Lapid sa napapanahong ayuda sa gitna ng kalamidad.

Naging daan sina Cavite City Mayor Denver Christopher Chua at Vice-Mayor Benzen Rusit para maisakatuparan ang relief distribution at payout ng ayuda sa tricycle drivers.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …