Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mother Lily Maricel Soriano

Maricel in denial sa pagkawala ni Mother Lily—Hindi nagsi-sink in, ayoko

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Maricel Soriano sa nagdadalamhati ngayon sa pagpanaw ni Mother Lily Monterverde. Hindi lang kasi ito basta sa kanya ng mahigit 100 movies, kundi itinuturing na rin niya ito bilang pangalawang ina. 

Sabi ni Maricel sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, “She’s really like a mother. When she’s mad, she gets mad at me talaga. Pagagalitan talaga ako. Walang mga label-label doon.

“Pagagalitan ka talaga ng nanay mo. Second mom ko talaga siya.”

Pagbabahagi pa niya sa ugali ni Mother Lily, “Kapag maganda naman ang nagawa mo, at okay ang pelikula natin, kakanta siya, ‘Maria went to town. Maria went to town.’ Ganoon ‘yun.”

Ang Maria Went To Town ay isa sa mga nagawang pelikula ni Maricel sa Regal na naging blockbuster noong ipalabas ito noong 1987.

At kapag wala raw sa mood si Mother Lily,“Silence is the best. Huwag ka na magsasalita kapag galit si Mother.”

Abot-langit ang pasasalamat ni Marya kay Mother Lily dahil parang tunay na anak din ang naging turing nito sa kanya, “Hindi ako nawawala sa Regal, kahit anong mangyari.

“Kapag kailangan ako ni Mother o ni Roselle (Monteverde, anak ni Mother Lily) nandiyan ako,” sabi pa ng veteran actress.

Pag-amin pa ni Maricel sa nararandamang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang nanay-nanayan, “Up to now, I’m still in denial that Mother Lily is gone. Unless I see her really there. That’s a different story, ‘di ba?

“Hindi nagsi-sink in sa akin. Kasi ayoko. Ayoko. Gusto ko pa rin ‘yung ‘Mother, ang datung!’ ‘Yun kasi ‘yung lokohan namin.

“Sobra ang ginawa ni Mother for us. I’m very grateful and thankful dahil si Mother Lily ang napili ni Lord na makasama namin sa matagal na panahon at makatrabaho,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …