Wednesday , January 15 2025
Kono Basho Gabby Padilla Arisa Nakano Jaime Pacena II

Kono Basho may kurot sa puso, Bryan Dy ng Mentorque namangha sa Cinemalaya entry 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY kurot sa puso ang bagong handog na pelikula at Cinemalaya entry ng Mentorque Productions, ang Kono Basho (This Place) na idinirehe ni Jaime Pacena II.

Simple ang istorya ng Kono Basho pero nakatitiyak kami na may kurot sa puso at aantig sa sinumang makakapanood. 

Naimbitahan kami sa Gala Night nito noong Martes ng gabi na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay na atagumpay na naisagawa ang screening sa dalawang sinehan—Cinema 2 at 10. Dinaluhan din iyon ng mga bida kasama ang mga Japanese actor.

Ang istorya ay ukol sa dalawang anak na may magkaibang ina. Ang isa ay Pinoy at ang isa ay Haponesa. Sa hindi sinasadyang pagkakataon namatay ang kanilang ama sa piling ng anak na Haponesa kaya naman ang anak na si Pinay ay ganoon na lamang ang tampo sa ama na akalang mas piniling makasama ang half sister.

Pinagbibidahan nina Gabby Padilla (Ella, isang Filipina anthropologist) at Arisa Nakano (Reina, Japanese painter) ang pelikula na parehong mahusay ang ipinakitang arte. Ramdam na ramdam mo sa kanila ang sakit at pagdadalamhati sa pagkawala ng itinuturing nilang hero sa kanilang buhay.

Dagdag pa sa hinangaan namin ay ang pagkaganda-gandang lokasyon sa Japan kaya naman talagang hahanga ka sa pelikula bukod sa istorya. Maganda rin ang cinematography nito at pagkakalatag ng istorya. 

Ani direk Jaime, I think what this film can teach you about grief is that sometimes when you feel like you’re alone in the darkness, stumbling kasi wala kang kasama.

“There’s someone in the darkness stumbling as well, and when you hold on to that person and when you connect with them, you have hope and you find healing together.”

Puring-puri ni direk Jaime si Gabby dahil sa galing nitong ipinakita sa pelikula. At thankful naman ang dalaga rito dagdag pa na pinili siya at hindi dumaan sa audition para makasama sa movie. 

Maging si Arisa magaling ding nagampanan ang kanyang karakter. Biro nga namin, pwede itong ma-nominate dahil epektibo sa pagganap sa kanyang karakter.

Sa kabilang banda, biniro naman namin ang producer ng  Kono Basho na si Bryan Dy, ng Mentorque Productions. Pagkatapos kasi ng award-winning film na Mallari, sa Cinemalaya naman siya sumali.

Aniya, gusto biyang masubukan lahat. Mula nga naman sa pagpo-produce ng mga pelikula sa Vivamax, Metro Manila Film Festival, heto’t sa Cinemalaya naman siya makikita.

Aniya, “Talagang ibang direction ito (Cinemalaya), kasi I’m trying to understand na parang dalawa ‘yung lagi nilang sinasabi, parang sinasabi nilang art film.

Pasensyahan ninyo na po ako sa pagiging ignorante po dahil baguhan po ako sa industriya, talagang I wanted to experience that also, something different.

“Dahil when this one offered magagaling ‘yung mga tao at the back, sa likod nito, so hindi na rin ako nagdalawang-isip and then to really understand also the (Cinemalaya) film festival, how they wanted, ano talaga ang audience niyon, who did they cater,” anito.

Kasi talagang ito, malayong-malayo to what I do. But doon ko rin napagtanto sa sarili ko when I saw the final film na parang mas magiging technical ka siguro as a producer mas nagiging napapansin ko ‘yung subtleness niyong acting. Iba rin siya, so I really enjoyed watching this.

“Akala ko before kasi ako mahilig ako sa fast-paced mahilig ako sa edge of a seat pero this one is just emotional. Alam mo from the beginning that we’re looking at how would you handle grief. Talagang right on the table ‘yun.

“And ‘yun lang talaga, we’re really amazed on the team, lalo na ‘yung acting bukod kay Gabby Padilla, the Japanese actress Arisa Nakano, tapos the direction and cinemathography iba rin. So hopefully you enjoy the film,” sambit pa ni Bryan.

Palabas ang Kono Basho hanggang Aug 11 kaya manood na.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Aegis Mercy Sunot

Aegis inamin maninibago sa biritan sa pagkawala ni Mercy Sunot

RAMDAM namin ang lungkot habang kumakanta at tumutugtog ang magkakapatid na miyembro ng bandang Aegis. …

Gerald Santos

Gerald Santos tuloy kaso kay Danny Tan; nabunutan ng tinik nang humarap sa senado

HINDI paaawat sa pagsasampa ng mga kaso si Gerald Santos laban sa musical director na …

Rachel Alejandro Geneva Cruz Jeffrey Hidalgo Nasaan Si Hesus

Rachel, Jeffrey, Geneva ‘di nagdalawang-isip pagtanggap ng Nasaan si Hesus?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio EXCITED pare-pareho sina Rachel Alejandro, Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Nathan Studios Buffalo Kids

Buffalo Kids pampamilya, hatid ng Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng Nathan Studios entry sa 50th Metro …