Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UST vs La Salle sa ABS-CBN Sports

Ihahatid ng ABS-CBN Sports live mula sa SM Mall of Asia Area ang inaabangang banggaan sa hardcourt ng De La Salle University (DLSU) Green Archers at ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers ngayong Sabado (Oct 12) kung saan makikilala na ang hihiranging kampeon para sa Senior Men’s Basketball Division ng  UAAP Season 76 na mapapanood  ang laban live sa ABS-CBN at sa Balls HD sa ganap na 3 PM.

Tabla na ang koponan ng DLSU at UST sa 1-1 sa kanilang best of 3 championship series matapos masungkit ng La Salle ang panalo sa Game 2 kamakailan. Makasaysayan na maituturing ang laban sa darating na Sabado dahil ito ang unang pagkakataon, pagkatapos ng 14 taon, na magtutuos ang dalawa sa finals. Huling nagsagupaan sa isang UAAP Finals Game 3 ang DLSU at ang UST noong 1999 kung saan nagwagi ang Green Archers.

Pitong kampeonato na ang pinanghahawakan ng DLSU sa Senior Men’s Basketball Division habang ang UST naman ay may 18. Kapag nanalo ang UST ngayong season ay tatabla na rin ito sa Far Eastern University (FEU) na siyang may hawak ng pinakamaraming titulo sa UAAP Senior Men’s Basketball.

Ang UST na kaya ang pinakaunang 4th seeded team sa kasaysayan ng UAAP na magwawagi sa kampeonato  o matikman na kayang muli ng La Salle ang tagumpay ng pagiging kampeon na huli nilang nalasap noon pang 2007?

Huwag palalampasin ang Game 3 ng UAAP Season 76: Men’s Basketball Finals live ngayong Sabado (Oct 12), 3 PM sa ABS-CBN at Balls HD (Skycable Ch 167). Tunghayan din ang laban via livestream sa http://uaaplivestream.studio23.tv o sa http://iwanttv.com.ph pati na rin sa radio via DZMM Radyo Patrol 630. Panoorin ang replay sa parehong araw sa ganap na 9:30 PM sa Studio 23 at 10:30 PM naman sa Balls (Skycable Ch 34 o Destiny Cable Ch 36).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …