HANDA ang mga senador na makinig sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Bukod sa paghahanda sa pakikinig sa SONA ng Pangulo ay kani-kaniyang paghahanda rin ng kanilang isusuot ang bawat senador na dadalo sa SONA.
Sa SONA ng Pangulo, kanyang iuulat sa bayan ang mga nagawa ng kanyang administrasyon simula nang umupo siya sa puwesto noong Hulyo 2022.
Bukod diyan, ihahayag din niya sa SONA ang mga gagawin pang proyekto at balakin ng kanyang adminitrasyon.
Inaasahan na mayroong mga pupurihin ang Pangulo gayondin ay hihilingin sa kongreso ang pagbalangkas ng mga batas na kailangan ng taongbayan.
Samantala, bago dumalo sa SONA ang mga senador ay sabay na pormal na binuksan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang sesyon.
Bukod sa paghahanda sa SONA, inihanda rin nang husto ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang gusali ng senado para sa pagbubukas ng sesyon.
Kabilang sa ilang ipinagawa ni Escudero ang pagpapalinis ng gusali, pagsasaayos, pagpapintura, pagpapaaliwalas sa gusali at Iba pang mga pagbabago. (NIÑO ACLAN)