Monday , November 25 2024
FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) upang tugunan ang programang pabahay ng pamahalaan para sa mga Filipino na wala pang sariling bahay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa inilunsad na press briefing, sinabi ni FEHI business partner Mogs Angeles, handa ang kanilang kompanya na kumuha ng mamumuhunan sa ibang bansa para tulungan ang local government units   (LGUs) na maisagawa ang programang pabahay ng pamahalaan.

Ani Angeles, ang LGUs ang tutukoy ng lugar na pagtatayuan ng mga housing project at ang pondo ay mangagagaling sa ibang bansa sa pamamagitan ng tulong ng FEHI.

Dahil dito nagpasalamat at natuwa ang ilang mga alkalde at mga kinatawan ng lungsod na dumalo sa naturang press conference.

Kabilang sa mga dumalong LGUs ay mula sa Laguna, Cavite, Batangas, Bicol, Bataan at Iba pang mga lalawigan.

Naniniwala ang mga dumalo sa naturang pulong balitaan na may kinalaman ang ilang kilalang suppliers  at contractors sa bansa na handang makipagtulungan sa mga LGU.

Binigyang-diin ni Angeles, handa kahit anong oras ang kanilang kompanyang FEHI sa mga nais maisakatuparan ang programang pabahay sa kanilang nasasakupan.

Aniya, kahit anong oras ay handa ang kompanyang FEHI sa mga LGU na nais lumagda sa isang kasunduan.

Umaasa si Angeles na ang programang ito ng  kanilang kompanyang FEHI ay makatutulong upang mabawasan ang backlogs sa pabahay ng pamahalaan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …