Friday , November 22 2024
League of of the Cities of the Philippines LCP

Kahit suspendidong mayor
RAMA NANINDIGANG LCP PRESIDENT PA RIN

NANINDIGAN si Cebu City Mayor Michael Rama na siya pa rin ang Pangulo ng League of of the Cities of the Philippines (LCP) kahit anim na buwang suspendido bilang alkalde.

Ayon kay Rama, bagamat suspendido siya ay alkalde pa rin siya ng Cebu City lalo na’t ang kanyang termino ay magtatapos pa sa 2025.

Bukod dito, nakapila pa ang kasong isinampa sa kanya na kasalukuyanh kinukuwestiyon ng kanyang kampo.

Pinalagan ni Rama ang  ipinatawag na Special National Executive Board Meeting ni Bacolod City Mayor Albee Benitez na itinakda ngayong 19 Hulyo.

Buo ang paniniwala ng kampo ni Mayor Rama na ang meeting na ipinatawag sa pamamagitan ng advisory na may petsang 17 Hulyo ay ‘political maneuvers’ para tanggalin siya bilang League of the Cities of the Philippines (LCP) president.

Ipinunto ng kampo ni Rama, maliwanag sa Konstitusyon ng LCP at By-Laws na ang pagtanggal sa isang Board Member ay maaari lamang ipatupad sa isang meeting na ipinatawag para sa naturang partikular na layunin.

Iginiit ni Rama, ang advisory ay ‘irregular’ at anumang mapagkasunduan dito ay walang legal effect.

Nauna dito, nagpatawg si Benitez ng Special National Executive Board Meeting, sa loob ng dalawang araw na notice para sa mga miyembro, na isa umanong direktang paglabag sa LCP’s Comstitution & By-Laws.

Sa ilalim ng  Konstitusyon at By-Laws,  dapat ipadala ang notice nang hindi bababa sa 15 araw bago ang nakatakdang petsa ng mga pagpupulong.

Nakasaad lamang umano sa advisory na ang meeting ay iikot sa “urgent internal matters”.

Dahil sa  malabong pahayag, ito ay sumasalungat sa basic requirement na ang isang notice sa anumang pagpupulong — regular man o special board meeting — ay dapat nakatukoy at naka-itemize ang agenda upang maayos na ipaalam at ihanda ng mga dadalo.

Ipinunto ng kampo ni Rama, ang nasabing advisory ay tila isinunod umano sa isang resolusyon na may petsang 10 May 2024 na inilabas ng Negros Association of Chief Executives, Inc., na miyembro rin si Benitez.

Batay  sa resolusyon, ipinatawag ang mga LCP officer and Board of Directors para pansamantalang pahintulutan si Benitez na ipatawag ang liga dahil “absent” si Mayor Rama na nasa anim na buwang suspensiyon.

Iginiit ni Mayor Rama, hindi siya “absent” at handang gampanan ang tungkulin bilang Pangulo ng LCP.

Binigyang-linaw ni Rama ang ipinataw sa kanyang preventive suspension ng Office of the Ombudsman ay pagbibigay-daan lamang sa isang administratibong imbestigasyon at hindi katumbas ng parusang pagtanggal sa kanya sa puwesto.

Nitong Mayo 2024 sinuspendi si Mayor Rama at pito pang opisyal kaugnay sa umano’y hindi pagbabayad ng suweldo sa ilang empleyado ng city hall. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …