Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bagong Pilipinas Hymn

EO ni Bersamin hindi susundin  
BAGONG PILIPINAS PLEDGE, HYMN INAARAL PA NG SENADO — ESCUDERO

TAHASANG sinabi ni Senate President  Francis Joseph “Chiz” Escudero na walang balak sundan ng senado ang ipinalabas na kautusan sa mababang kapulungan ng kongreso na maging bahagi ng flag ceremony ang pagbigkas ng pledge at hymn ng Bagong Pilipinas.

Ayon kay Escudero iginagalang niya ang desisyon ng mababang kapulungan ng kongreso at wala naman siyang nakikitang masama ukol sa bagay na ito.

Ngunit sa senado, kasalukuyang pinag-aaralan ng secretariat at legal team ang pledge at hymn batay sa kanyang naunang kautusan.

Matatandaang unang nagpalabas ng executive order si Executive Secretary Lucas Bersamin na nag-oobliga sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na isama sa pagbigkas sa kani-kanilang flag ceremony ang pledge at hymn ng Bagong Pilipinas.

Ngunit matapos nito agad sinabi ni Escudero na ang kautusan ni Bersamin ay hindi sakop ang lehislatibo kundi ito ay pang executive at judiciary dahil sila ay para-parehong equal branch of government.

Tiniyak ni Escudero, anoman ang resulta ng pag-aaral ng secretariat ng senado at legal team ay kanila itong isasapubliko at tinitiyak niyang susundin ito. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …