Sunday , December 22 2024
MATATAG curriculum

Creative & critical thinking ng Pinoy students inaasahang patatalasin ng MATATAG curriculum

KOMPIYANSA si Senador Win Gatchalian na tataas ang antas ng creative at critical thinking skills ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng MATATAG curriculum simula sa susunod na school year.

Ipinahayag ito ni Gatchalian kasunod ng naging resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) sa Creative Thinking, na kasama ang Filipinas sa apat na may pinakamababang marka sa 64 bansang kasapi ng Organization for Economic Co-Operation and Development (OECD).

Lumalabas na nakakuha ng average score na 14 points ang mga 15-anyos mag-aaral ng bansa, habang 33 points ang average sa mga bansang kasapi ng OECD. Isinagawa ang Creative Thinking Assessment sa unang pagkakataon sa 2022 PISA.

“Lumalabas sa PISA report, kasama ang Filipinas sa mga pinakamababa sa creative thinking, dahil mas tinuturuan ang mga mag-aaral na magsaulo at hindi para mag-isip. Tinuturuan sila kung ano ang impormasyon ngunit hindi sila tinuturuang unawain ito.

Naapektohan nito ang critical thinking, pati ang creative thinking skills ng amga mag–aaral,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

“Hindi natin tinuturuan ang ating mga mag-aaral na maging mapanuri at malikhain sa pag-iisip, at kailangan natin itong ireporma. Dito papasok ang MATATAG curriculum dahil hindi lamang natin binawasan ang bilang ng mga competencies, tinutukan din natin ang critical thinking,” pahayag ni Gatchalian.

Binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng maayos na pagpapatupad ng MATATAG curriculum upang pataasin ang marka ng mga mag-aaral.

Binigyang diin niya ang pangangailangan ng dekalidad na pagsasanay at edukasyon para sa mga guro, lalo na’t sila ang magtuturo ng critical at creative thinking skills sa mga mag-aaral.

Sinusukat ng PISA 2022 creative thinking assessment ang kakayahan ng mga mag-aaral na magkaroon ng malawak at orihinal na mga ideya sa iba’t ibang mga konteksto. May apat na domain ang naturang assessment: written expression, visual expression, social problem solving, at scientific problem solving.

Batay sa Pagsusuri ng tanggapan ng senador, 63% o anim sa 10 mag-aaral na Filipino ang may proficiency level 1 o pababa pagdating sa creative thinking. Nangangahulugan ito na sa pagbuo ng mga sagot, umaasa sila sa mga halatang tema at nahihirapan silang magkaroon ng higit sa isang ideya para sa mga sitwasyong kinakailangan ng bukas at simpleng imahinasyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …