Tuesday , May 13 2025
Bless Hermie Lamang Miss Lipa Tourism 2024

Bless Hermie Lamang ng Brgy Tambo itinanghal na Miss Lipa Tourism 2024

ni MARICRIS VALDEZ

KINORONAHAN bilang Miss Lipa Tourism 2024 ang kandidata mula Brgy. Tambo, si Bless Hermie Lamang na nagwagi rin ng ilang major awards tulad ng Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.

Matagumpay na naisagawa ang Miss Lipa Tourism 2024 noong Sabado ng gabi sa Lipa Plaza Independencia na 14 na naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang barangay ng Lipa, Batangas ang naglaban-laban. 

Itinanghal namang 1st runner up si Gweyneth Padilla ng Brgy Balintawak, 2nd runner up si Abby Caraig ng Brgy Rizal, 3rd runner up si Clarissa Daniella Ching ng Brgy Tambo, at 4th runner up si Patrici Basanes ng Brgy. Sabang.

Nakalamang ang ganda  ni Bless sa magandang sagot nito sa question and answer portion. Sa tanong na, “What makes Lipa City unique compared to other cities in the Philippines?” sumagot siya ng, “We Lipeños have managed to honor our present and past history and at the same time embrace modernization. That’s why we Lipeños should patronize and embrace our rich culture, heritage, and history because sa kakaibang ganda ng Lipa, kasaysayan, at kaunlaran ang iyong masisilayan”. 

Si Bless ay itinanghal na ring 1st Runner Up ng Miss Universe Batangas noong isang taon.  

Pinangunahan ni  Yllana Marie Aduana (Miss Earth Air 2023, Chairperson ng Board of Judges) ang panel of judges kasama sina Rina Maier, Luke Conde, Nathaniel Tiu (Mister Earth Philippines 2023), Jefferson Rivera, Dennis Santos, at Christine Dayrit.

Nagsilbing host ng patimpalak sina Kitt Cortez at Joy May Anne Barcoma. Sina Councilor Venice Manalo (chairman, Committee on Tourism) at Joel Pena (President ng Lipa City Tourism Council) ang namuno sa pagtatanghal ng Miss Lipa Tourism 2024  na ginabayan ni Lipa Mayor Eric Africa kasama ang kanyang mga iba pang konsehal.

Ang pagtatanghal ng Miss Lipa Tourism 2024 ay kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika—77 taon ng Lipa bilang city at ika-419 founding anniversary. Nagsimula ang pagdiriwang noong Hunyo 12 at magtatapos ng Hunyo 20, ang araw mismo ng anniversary.

Ang Lipa City ay ang pioneer city ng Batangas. Ito rin ang most populated at most commercialized sa probinsiya ng Batangas. Kilala rina ng Lipa bilang City of Faith, Work, at Virtue. 

Matagumpay din ang Lipa sa kanilang hastag na #EatPrayLoveLipa na talaga namang maraming masasarap na pagkain ang matatagpuan sa syudad, gayundin ang kanilang Cathedral na napakaganda na roon ikinasal dati sina Sec. Ralph Recto at Vilma Santos, at talaga namang mamahalin ang Lipa sa ganda hindi lamang ng lugar maging ng mga taong naninirahan doon.

Ang Miss Lipa Tourism 2024 ay naisakatuparan din sa tulong ng mga sponsor tulad ng Big Ben Complex kasama ang Go Bamama, Tess Marias Rotisserie, Jorge’s Casa de Sansrival, Siomai King, Big Ben Lipa, Perfected Skincare, Frontrow Big Ben Lipa, at Ijo Bakery. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …