Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Grae Fernandez Pamilya Sagrado

Grae Fernandez walang kabang nakipagsalpukan kina Piolo, Tirso, at Mylene

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI agad namin nakilala si Grae Fernandez nang mapanood ito sa celebrity screening ng Pamilya Sagrado noong Sabado na pinagbibidahan nila nina Piolo Pascual at Kyle Echarri.

Ibang-iba ‘yung Grae ang napanood namin ngayon na matured at pang-matinee idol na datingan kompara noon na batambata pa bagamat kinakitaan na rin naman namin siya ng galing sa pag-arte noon. 

Mas confident pang umarte ngayon si Grae na nakikipagsabayan kina Piolo, Tirso Cruz III na gaganap na kanyang lolo, at Mylene Dizon (ang kanyang ina).

Matagal-tagal ding nawala si Grae sa showbiz. Taong 2022 nang iwan niya ang pag-arte para mag-aral ng acting sa Stellar Adler Studio sa New York City.

At sa kanyang pagbabalik-showbiz, gagampanan niya ang role ni Justin Sagrado, lider ng fraternity at anak ni Rafael Sagrado (Piolo).

Ayon kay Grae, napapayag siyang tanggapin ang offer ng Dreamscape dahil makakatabaho niya ang mga aktor na tinitingala at iniidolo niya. Bukod pa sa nakare-relate siya sa karakter niya.

Aniya, si Justin ang taong laging isinasaalang-alang ang pamilya sa anumang desisyong gagawin. At sa totoong buhay ganito rin siya.

Samantala, tiyak na gigimbal sa mga manonood ang Pamilya Sagrado, na  sukdulan ang kasamaan at kapangyarihan para protektahan ang pinaka-iniingatang reputasyon.

Bukod kay Grae, nakapaninibago rin ang karakter ni Piolo rito. Ito bale ang pagbabalik-telebisyon niya.

“Hindi siya lahat magaling. Nagsisimula talaga siyang madilim. Inilabas ko talaga ang pinakamadilim na bahagi niya para ipakita ang kanyang pagtubos sa dulo. I always try to diversify and do roles na alam kong hindi ko pa nagagawa and that would really challenge me as an artist,” paglalarawan ni Piolo sa kanyang karakter.

Si Piolo si Rafael, isang gobernador mula sa maimpluwensiyang pamilya na maraming itinatagong baho. Masasangkot sa magulong mundo ng politika ang dalawang binata na sina Moises (Kyle), isang simpleng bata na sanay sa hirap, at si Justine (Grae), ang mayabang na anak ni Rafael.

Sa kabila ng kanilang magkaibang pamumuhay, magiging malapit sa isa’t isa sina Moises at Justine. Pero, babaliktad ang kanilang mundo nang idiin sa fraternity group ni Justine ang pagkamatay ng isang estudyante dahil sa hazing.

Para protektahan ang kayamanan at kapangyarihan ng pamilya Sagrado, isusulong ng mga ito ang lahat, maski ang kanilang prinsipyo at mahal sa buhay.

Kaya huwag palampasin ang Pamilya Sagrado na mapapanood simula Hunyo 17 (Lunes), 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC.

Ang Pamilya Sagrado ay idinerehe nina Lawrence Fajardo, Andoy Ranay, at Rico Navarro. Bukod kina Piolo, Grae, Kyle, Pip, at Mylene kasama rin sina Shaina Magdayao, Rosanna Roces, Aiko Melendez, John Arcilla, at Joel Torre.

Makakasama rin sina Daniela Stranner, Jeremiah Lisbo, Alyanna Angeles, Micaela Santos, River Joseph, Emilio Daez, Sean Tristan, Austin Cabatana, Luis Vera Perez, Dustine Mayores, Miggs Cuaderno, Valentino Jaafar, Isaiah dela Cruz, Beaver Magtalas, at Renshi de Guzman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …