Friday , June 28 2024
Alexis Castro Bulacan

Vice Gov ng Bulacan ginawaran ng prestihiyosong parangal

GINAWARAN ng parangal si Bise Gobernador Alexis C. Castro ng Bulacan bilang Distinguished Icon in Public Service 2024 sa idinaos na Asia’s Golden Icon Award sa Grand Ballroom ng Okada Manila noong 31 Mayo 2024.

               Ipinamalas ni Castro ang matibay na pamumuno sa kanyang mga nasasakupan bilang pinuno ng konseho ng lehislatura at bilang tagapangulo ng Committee on Social Services.

Kilala sa kanyang adbokasiya para sa mga programa sa pag-unlad ng kabataan partikular sa larangan ng palakasan, nanguna si Castro sa iba’t ibang mga inisyatiba para sa kapakinabangan ng mga kabataang Bulakenyo.

Kinilala rin siya bilang pinakabatang bise gobernador ng Bulacan at ang unang nagtatag ng action centers sa Santa Maria, Marilao, at sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan.

Binati at pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando si Castro dahil sa kanyang kahanga-hangang serbisyo publiko.

“Congratulations, Vice Governor Alex Castro. Thank you for your unwavering public service. Mabuhay ka,” ani Fernando. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

NAGTATAG  ng support group para sa mga magulang ng batang may special needs ang pamahalaang …

QC quezon city

Sa Quezon City 
5 BARANGAY, NAKATAKDANG IDEKLARANG “DRUG CLEARED”

NAKATAKDANG ideklara ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QC-ADAAC) na drug-cleared ang lima pang …

shabu drug arrest

Umihi, nanapak ng parak
TRUCK HELPER HULI SA SHABU

PATONG- PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang truck helper makaraang masita sa pag-ihi sa …

Navotas

2 teachers kabilang sa mga bagong scholar ng Navotas

DALAWANG GURO mulasa pampublikong paaralan ang kabilang sa nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs …

PNP QCPD

4 MWPs, timbog sa QC

APAT na most wanted persons ang naaresto ng  Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang …