Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippines Covid-19

Paglikha sa Center for Disease Control and Prevention isinusulong ni Gatchalian

KASUNOD ng pagkakatunton ng FLiRT variant ng COVID-19 sa bansa, muling iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan sa paglikha ng Center for Disease Control and Prevention.

Isa si Gatchalian sa mga may akda ng “Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC) Act (Senate Bill No. 1869)” na layong likhain ang CDC.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang CDC ang magsisilbing awtoridad sa forecasting, pagsusuri, estratehiya, at mga pamantayan upang masugpo ang mga sakit at tugunan ang mga sakunang may kinalaman sa health security ng bansa.

Sa ilalim ng naturang panukala, kabilang sa magiging responsibilidad ng CDC ang mga sumusunod: pagpapatupad ng mga gawain sa disease surveillance at epidemiology, pagpapatayo at pagpapatatag ng mga public health laboratories, pagrekomenda ng mga hakbang sa pagsugpo ng mga bantang pang-kalusugan, at pagpapatatag ng lokal na kapasidad sa surveillance at health research.

Ang CDC rin ang magtatakda ng mga pamantayan para sa surveillance ng mga ports of entry ng bansa. Makikipag-ugnayan ito sa Bureau of Quarantine sa pagpapatupad ng surveillance at sa  iba pang mga stakeholders.

Upang suportahan ang regional offices ng Department of Health, magkakaroon ang CDC ng mga regional counterparts na magpapanatili ng technical capacity para sa epidemiology at surveillance, health statistics, mga laboratoryo, at pananaliksik.

Magiging mandato sa mga probinsiya, munisipalidad, at mga siyudad na iangkop sa kanilang mga lugar sa mga pamantayang bubuuin ng CDC.

“Naging aral sa atin noong panahon ng pandemya kung gaano kahalaga na maging handa sa panahon ng mga krisis pangkalusugan. Kaya naman patuloy nating isinusulong ang pagtatatag ng Center for Disease Control and Prevention upang mapaigting ang ating kahandaan na tumugon sa mga krisis tulad ng pandemya at iba pang mga sakuna,” ani Gatchalian. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …