Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Labog kampeon sa 9th leg ng PCAP Champions League Open chess tilt
MAKIKITA sa larawan sina (mula kaliwa) Fredilyn Hope Labog (Ina), Marc Kevin Labog (Kampeon), at Eric Caddawan Labog (Ama).

Labog kampeon sa 9th leg ng PCAP Champions League Open chess tilt

MANILA — Nagkampeon si Marc Kevin Labog ng Solano, Nueva Vizcaya sa 9th leg ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Champions League Open Chess Tournament (face to face, over the board) noong Linggo, 19 Mayo 2024, na ginanap sa SM City, Tuguegarao City, Cagayan.

Si Labog, na naglalaro para sa Pasig City King Pirates sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), ay ibinulsa ang P7,000 pitaka at ang tropeo para sa paghahari sa torneo na nagtala ng mahigit 90 woodpushers.

“I was happy with my performance,” sabi ni Labog, isa sa top player ng Datamatics Chess Team, ang reigning BPO Olympics Champion na dating Call Center Olympics.

Nagtala si Labog ng 6.5 points sa 7 outings, ang parehong output ni Vince Angelo Medina ng Cabuyao City, Laguna na tinalo niya sa tie break points.

Sa pagtatapos ni Medina sa ikalawang puwesto ay nakakuha siya ng P5,000, habang ang ikatlong puwesto ay napunta kay Mc Dominique Lagula ng Aritao, Nueva Vizcaya na may 6.0 puntos upang kumita ng P3,000.

Ang pang-apat hanggang 10th placers ay sina Willy Villaruz (6.0), Jan Cliford Labog (5.5), Jake Tasi Tumaliuan (5.5), Marc Francis Balanay (5.5), Alexander Jude Malabad (5.0), Lionel Cerezo (5.0) at Lordwin Espiritu (5.0). ), ayon sa pagkakabanggit.

Sinabi ni Tournament Director Laurence Wilfred Dumadag na uusad si Marc Kevin Labog sa Grand Finals ng Tournament of Champions (face to face, over the board) sa 19 Hulyo hanggang 21 Hulyo sa Greenhills Mall, Ortigas, San Juan City.

“The champion of this leg will have the opportunity to participate in the search for homegrown players and compete in the highly anticipated Battle of Champions in Manila,” sabi ni Dumadag.

Ang iba pang kilalang woodpushers na nakapasok sa grand finals ay sina FM Ellan Asuela (Leg 1, Ozamis Chess 7 in 1 Team Festival), Kevin Arquero (Leg 2, HUbstar Open Invitational), Omar Bagalacsa (Leg 3, Pasig Battle of the Masters ), John Philip Gabuco (Leg 4, Puerto Princesa Open Chess Challenge), IM Daniel Quizon (Leg 5, Chairman’s Cup), FM Austin Jacob Literatus (Leg 6, Davao), Virgen Gil Ruaya (Leg 7, Camarines Sur), at IM Kim Steven Yap (Leg 8, Cebu).

Kompleto sa cast sina 13-time Philippine Open Champion GM Rogelio “Joey” Antonio, Jr., (PCAP Season 3 All Filipino Conference Best Player), IM Joel Banawa (PCAP Season 3 Co-Best Player) at WFM Cherry Ann Mejia (PCAP Season 3 Co-Best Player).

Ayon kay Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Chairman Michael Angelo Ong Chua, sa ilalim ng tournament rules ng Grandfinals of Tournament of Champions, ito ay magiging Round Robin Format.

Ang bawat round ay bubuuin ng Blitz (5 minuto at 3 segundong pagdaragdag) at Rapid (13 minuto at 2 segundong pagdaragdag). Ang Blitz ay bibigyan ng 1 puntos para sa panalo, 0.5 para sa draw at 0 para sa pagkatalo. Ang Rapid ay makakukuha ng dalawa para sa panalo, 1.0 para sa draw at 0 para sa pagkatalo.

Pinakamataas na kabuuang mga puntos sa Laro ang mananalo sa round at makakukuha ng 1 Match Points bilang puntos. Kung ang iskor ay nakatali, pagkatapos ay 0.5 ang igagawad sa bawat manlalaro.

Idinagdag ni Chairman Chua na cash prizes na P80,000, P30,000 at P20,000 ang naghihintay sa top three placers. Ang fourth hanggang 12th placers naman ay maghahabol ng tig-P5,000. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …