Friday , April 25 2025
Rey C Urbiztondo Rolando Nolte Chess
NAKIPAGKAMAY sina AGM at Honorary NM Rey C. Urbiztondo, ang team owner at playing coach ng Surigao Fianchetto Checkmates, kay IM Rolando Nolte para magsimula ng chess tournament at chess clinic kamakailan sa Ozamis City.

Surigao Fianchetto Checkmates sa Semi Finals sa PCAP

Manila — Tinalo ng Surigao Fianchetto Checkmates ang Iloilo Kisela Knights sa Quarterfinals ng Professional Chess Association of the Philippines-PCAP para harapin ang Camarines Soaring Eagles na nasa gabay ni Engr. Jojo Buenaventura, ang top seed sa Southern Division para sa Semi Finals Sabado ng gabi.

Ang kapana-panabik na quarter finals ay napanalunan ng Surigao sa pamamagitan ng Armageddon, 2-1, na ginanap sa pamamagitan ng Chess.com Platform noong Miyerkoles ng gabi.

Sa panalo ni NM Rogelio Enriquez, Jr., versus NM Fritz Porras at ang draw game ni IM Rolando Nolte laban kay NM John Michael Silvederio. Bilang itim na piyesa, na may partida sa oras, ang mga puntos ay iginawad kay IM Nolte ayon sa Armageddon ruling. Nanalo si NM Rolly Parondo, Jr., laban kay NM Joey Florendo para makaiskor para sa Iloilo.

Nauna rito, ang unang set ay napanalunan ng Iloilo 13-8, habang kinuha ng Surigao ang ikalawang laban, 11.5-9.5 para i-set up sa tie break sa pamamagitan ng Armageddon. Ito ang kanilang ikalawang laban sa Armageddon dahil noong nakaraang season, nagkasagupaan din sila sa tie break at nanalo ang Iloilo.

Sinabi ni AGM at Honorary NM Rey C. Urbiztondo, ang may-ari ng team at playing coach, sa wakas ay unang beses nilang makapasok sa semis dahil palagi silang nasa quarter finals tuwing conference ngunit hindi pa para sa semis at tinatalo ang dating kampeon na Iloilo ay isang malaking improvement para sa Mindanao team.

Ang Surigao Team ay sinusuportahan ni District Engr. Dohjie Morales ng DPWH bilang team manager at itinataguyod ni Cong. Ace Barbers.

Samantala, tinalo ng Davao Chess Eagles ang Tacloban Vikings sa 2 set, 11.5-9.5, at 17-5, para ayusin ang final four showdown laban sa second seed Toledo-Xignex Trojans.

Ang PCAP, ang una at tanging play-for-pay na liga sa bansa, ay pinamumunuan ni President-Commissioner Atty. Paul Elauria, Chairman Michael Angelo Chua, at Treasurer Atty. Arnel Batungbakal. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …